Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

War lord naman ngayon ang gusto ni Rep. Rudy Fariñas!? (Hari ng traffic violations supalpal)

IBANG klase talaga ang tinawag na predator ni si ako, si ikaw…

Matapos masupalal ang mungkahing maging hari ng traffic violators ang mga mambubutas ‘este mambabatas heto naman ngayon, gustong kopohin ni House Majority Floor Leader, representative Rodolfo Fariñas ang mga pulis at maglagay din daw ng mga itatalaga sa kanila.

At hindi lang basta bodyguard, Congress police ang gusto ni Manong Rudy.

Bakit po Congressman Fariñas, naiismolan po ba kayo sa kakayahan ng kababayan mong si House Sgt-at-arms, Gen. Rolando Detabali, na isang PMAer?

Sa tingin siguro ni Manong Rudy e ‘mahina’ si Gen. Detabali? O hindi niya mabraso sa mga gusto niyang baluktot at taliwas sa umiiral na batas gaya ng pagpapakulong sa “Ilocos Six?”

Sa House Bill 6208, gusto raw ni Fariñas na magtatag ng Philippine Legislative Police (PLP) na magbibigay ng seguridad sa lahat ng miyembro ng Kongreso, poproteksiyonan ang mga ari-arian ng Kamara at Senado, at titiyakin na ang mandato at awtoridad na iginawad sa mga mambabatas ay hindi mahahadlangan.

Unobstructed, sabi ni Congressman Fariñas.

Kung may sariling police o PLP ang Kamara, magiging madali na raw ang paghahain ng subpoena, summon at arrest warrant sa mga nais nilang gipitin ‘este’ nais padalhan.

‘Yang PLP o legislative police ‘daw’ ang ma-giging mukha ng kapangyarihan nilang mga mambabatas para mabilis na maipatupad ang kanilang mga responsibilidad.

‘Yang lagay na ‘yan ay hindi pa pala ramdam ni manong Rudy ang ‘power’ nilang mga mambabatas?!

Ibig sabihin ba niyan, hindi siya bilib sa mga mamamayang naghalal sa mga mambabatas?

O talagang hindi mulat si Rep. Fariñas na ang trabaho nila ay gumawa o mag-amyenda ng mga batas?

Hindi po kayo mga war lord, Congressman Fariñas!

Paalala lang po ‘yan.

BULAKBOL
NA ESTUDYANTE
BAWAL NA SA ILAGAN,
ISABELA

WALA naman tayong tutol sa ordinansang ipinatutupad ng Ilagan City sa Isabela hinggil sa pagbabawal sa mga estudyante na magbulakbol.

Gusto natin ‘yan.

At sana, ganyan din ang gawin sa iba pang siyudad o munisipalidad lalo sa Metro Manila.

At isa sa epektibong deterrent niyan ay tapatan ng kaparusahan ang mga lalabag na kabataan.

Pero hindi lang dapat ang mga estudyanteng bulakbol ang patawan ng parusa.

Isama na rin ang mga magulang at ang mga establisyementong pinagtatambayan ng mga bulakbol, gaya ng mall, sinehan, mga bilyaran sa university belt lalo na ‘yung mga carinderia cum inuman.

Sa Sampaloc university belt, sudsurin lang po ninyo, sandamakmak ang mga bilyaran diyan na itinatabi pa mismo sa malalaking unibersidad.

Mga carinderia na may student meal kunwari pero nagsisilbi rin ng gin, red horse at iba pang inuming nakalalasing.

Sa Intramuros, ipinapraktis ng engineering students ang kanilang kasanayan sa pagsukat sa pamamagitan ng pag-eskuwala sa billiard table para siguradong tumbok ang bola.

Ang daming magulang ang umiiyak sa mahal ng tuition fee, pero ang mga anak pala ay puro bulakbol lang.

Imbes, legislative police ang pinag-iiisip nitong si congressman Rodolfo Fariñas ‘yan ang gawin nilang batas para mabawasan ang mga bulakbol at iskul bukol na estudyante.

Wanna try, Manong Rudy?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *