LAMPAS P500-M ang ang kinita (Philippines and overseas showing) ng unang tambalan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga sa big screen na “Starting Over Again” na idinirek ni Inang Olivia Lamasan.
At dahil ubod nang ganda ang latest movie ng dalawa sa Star Cinema na “Last Night,” na trailer pa lang ay hindi na pagsasawaang ulit-uliting mapanood aba’y nagbabadyang pantayan ng nasabing movie ang daang-daang milyong kinita sa takilya ng Starting Over Again dito sa Filipinas at abroad.
Sabi ay maraming pasabog si Toni dito na ilang beses raw nakipagtukaan kay Papa P at may bathtub scene pa ang dalawa na swabe ang pagkakakuha ni Binibining Direktor Joyce Bernal (director ng Last Night).
Lumabas rin ang pagiging brilliant ng Kapamilya actress na si Bela Padilla na sumulat ng kuwento na ngayon pa lang ay pinupuri na ng mga kritiko sa kanyang obra, at marami ang nagsasabi na may future din si Bela sa pagiging scriptwriter.
Sa lahat ng gustong makapanood ng pelikula, naka-sentro ang istorya ng Last Night sa dalawang bida nito na sina Mark (Pascual) at Carmina (Gonzaga). Nawala ang lahat kay Mark at ma-kikilala niya si Carmina na nawalan naman ng kanyang minamahal matapos ang isang madilim na gabi.
Bagama’t parehong nasa dulo ng kani-kanilang pag-asa sina Mark at Carmina, sila ay magsisi-mula nang hindi inaasahang ugnayan na magi-ging dahilan ng kanilang pagkakaibigan na magdadala sa kanila sa pagmamahalan.
Ang Last Night, ay isang kakaibang klaseng kuwento ng pag-iibigan na magbibigay pag-asa sa lahat ng sumuko na sa pag-ibig. Katapusan na nga ba para kina Mark at Carmina o may naghihintay pa ba para sa kanila? Muli ba silang bubuhayin ng tunay na pag-ibig? Magwawagi ba ang true love sa paglalakbay ng dalawa? Alamin sa pinakamalaking romantic film ng season at lasapin ang tu-nay na kapangyarihan ng pag-ibig.
Isa sa highlight ng movie ang pagtalon ni Toni sa Jones Bridges at pagpapakamatay ni Piolo sa nasabi ring pamosong tulay. Kinunan sa maraming lugar sa Maynila ang nasabing film partikular sa Intramuros, Manila. Maging sa National Press Club building na dinudumog ng fans sina Piolo at Toni sa mga shooting nila rito.
Simula ngayong 27 Setyembre 2017, Miyerkoles ay inyong mapapanood sa maraming sinehan sa buong bansa ang Last Night.
Cast ng “The Good Son”
puring-puri ng netizens
Mas maraming Filipino sa buong bansa ang agad na tumutok at lumuha sa mga eksena ng pinakabagong serye ng ABS-CBN na “The Good Son” kaya naman nanguna ito sa national TV ra-tings sa pag-uumpisa nito noong Lunes (Sept 26). Dahil nga sa kuwento nitong kumurot sa puso ng mga manonood, nagkamit ang serye ng national TV rating na 18.1%, kompara sa katapat nitong “My Korean Jagiya” na nakakuha ng 10.9% base sa datos ng Kantar Media.
Naging patok din sa social media ang palabas matapos makasama sa listahan ng trending topics ang official hashtag nitong #TGSTheBirthday sa Twitter at umani ng libo-libong tweets.
Sari-saring papuri rin ang natanggap ng “The Good Son” mula sa netizens para sa kalidad ng kuwento at husay ng cast nito. “Congratulations sa buong cast ng #TGSTheBirthday. Nakakaiyak, mapapaisip ka, nakakatuwa kasi tungkol ito sa pamilya,” sabi ng Twitter user na si @riego_rhea. “Wala kang clue kung sino ba talaga ang pumatay. Ang galing ng pagkaka-execute ng scenes. Hindi kasya ang isang oras,” tweet naman ni @ ForteBaba. “Ang daming dapat abangan. First episode pa lang may twist agad. Congrats,” papu-ri ni @asharybb.
Nakilala na nga ng mga manonood ang apat na anak mula sa dalawang pamilya na sina Joseph (Joshua Garcia), Obet (McCoy De Leon), Enzo (Jerome Ponce), at Calvin (Nash Aguas) sa selebrasyon ng kaarawan ng kanilang amang si Victor (Albert Martinez), na nauwi sa pagluluksa nang hindi inaasahang atakehin sa puso.
Dahil sa trahedya, mag-uumpisa nang mabulgar ang mga sikretong itinago ni Victor na magdadala naman ng matinding pagkakagulo sa kanyang pamilya. Ano nga ba ang katotohanan sa pagkamatay ni Victor? Paano ito makasisira sa maayos na buhay ng kanyang dalawang pamilya? Anong kapalaran nga kaya ang naghihintay sa kanyang mga anak?
Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa “The Good Son,” gabi-gabi pagkatapos ng “La Luna Sangre” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @DreamscapePH sa Twitter at Instagram.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma