Saturday , November 16 2024

Panawagan ng 16 senador kay Digong: Pagpatay sa minors itigil

NANAWAGAN ang mga mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang walang kapararakang pagpatay sa mga kabataan o menor-de-edad.

Napag-alaman, 16 sa 23 senador ang lumagda sa Senate Resolution 516, nananawagan sa administrasyong Duterte “to undertake the necessary steps to stop the senseless killing, especially of our children and to conduct an inquiry, in aid of legislation, to determine the institutional reasons, if any that give rise to such killings.”

Batay sa resolusyon, dapat sundin ang 1987 Constitution, ang United Nations Convention on the Rights of the Child, at ang Juvenile Justice Act, gayondin ang iba pang batas at international agreements, para mapanatili ng estado ang katiyakan na maprotektahan ang mga bata mula sa pang-aabuso at gayondin ang kanilang karapatan

Base sa data mula sa Children’s Legal Rights and Development Center, tinatayang nasa 54 menor de edad na ang napatay sa police operations o vigilante-style killings mula noong Hulyo 2016, unang buwan ng administrasyong Duterte.

Nabanggit din sa nasabing resolusyon ang pagkamatay sa anti-drug operations nina Kian Lloyd Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, at Reynaldo De Guzman, alyas Kulot



Nilagdaan ang nasabing resolution nina Senators Francis Pangilinan, Bam Aquino, Joel Villanueva, Risa Hontiveros, Ralph Recto, Franklin Drilon, JV Ejercito, Antonio Trillanes IV, Sherwin Gatchalian, Panfilo Lacson, Grace Poe, Nancy Binay, Francis Escudero, Sonny Angara, Loren Legarda at Leila de Lima.

Hindi lumagda sa nasabing resolution sina Senate President Aquilino Pimentel III, Majority Leader Vicente Sotto III, Senators Richard Gordon, Cynthia Villar, Juan Miguel Zubiri, Gregorio Honasan, at Manny Pacquiao.

(CYNTHIA MARTIN)



About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *