WALA naman tayong tutol sa ordinansang ipinatutupad ng Ilagan City sa Isabela hinggil sa pagbabawal sa mga estudyante na magbulakbol.
Gusto natin ‘yan.
At sana, ganyan din ang gawin sa iba pang siyudad o munisipalidad lalo sa Metro Manila.
At isa sa epektibong deterrent niyan ay tapatan ng kaparusahan ang mga lalabag na kabataan.
Pero hindi lang dapat ang mga estudyanteng bulakbol ang patawan ng parusa.
Isama na rin ang mga magulang at ang mga establisyementong pinagtatambayan ng mga bulakbol, gaya ng mall, sinehan, mga bilyaran sa university belt lalo na ‘yung mga carinderia cum inuman.
Sa Sampaloc university belt, sudsurin lang po ninyo, sandamakmak ang mga bilyaran diyan na itinatabi pa mismo sa malalaking unibersidad.
Mga carinderia na may student meal kunwari pero nagsisilbi rin ng gin, red horse at iba pang inuming nakalalasing.
Sa Intramuros, ipinapraktis ng engineering students ang kanilang kasanayan sa pagsukat sa pamamagitan ng pag-eskuwala sa billiard table para siguradong tumbok ang bola.
Ang daming magulang ang umiiyak sa mahal ng tuition fee, pero ang mga anak pala ay puro bulakbol lang.
Imbes, legislative police ang pinag-iiisip nitong si congressman Rodolfo Fariñas ‘yan ang gawin nilang batas para mabawasan ang mga bulakbol at iskul bukol na estudyante.
Wanna try, Manong Rudy?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap