INIHAYAG ni Senador Juan Miguel Zubiri na pinangalanan ni John Paul Solano sa executive session ng Senado ang anim niyang ka-brod sa Aegis Juris Fraternity na inabutan niyang nasa lugar na kinatagpuan sa walang malay na si UST law student Horacio Tomas “Atio” Castillo III.
Gayonman, binigyang-diin ni Zubiri, hindi maaaring ilantad sa publiko ang pangalan ng anim miyembro ng fraternity dahil sa patakaran sa Senado na ipinagbabawal ilabas ang kung ano man ang napag-usapan sa executive session.
SINAMPAHAN ni Patricia Bautista, dating misis ni Comelec Chairman Andres Bautista, kasama si Atty. Lorna Kapunan, ng…
Posted by Hataw Tabloid on Tuesday, September 26, 2017
Ayon kay Zubiri, makapagbibigay ng linaw sa insidente ang mga pahayag ni Solano sa executive session para makamit ng pamilya Castillo ang hustisya sa pagkamatay ni Atio sa initiation rites.
Aniya ang salaysay ni Solano ay mahalaga sa kaso na isinampa ng MPD laban sa frat members.
Dagdag ni Zubiri, makaraan ang pagbubulgar ni Solano, maaari nang simulan ng mga awtoridad ang manhunt operation sa nabanggit na anim miyembro ng fraternity.
(CYNTHIA MARTIN)