Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sue, laging nakabuntot sa member ng BoyBand PH

MARAMI ang nakapupuna sa pagbuntot-buntot ng isa sa lead actress ng inaabangang horror movie ng Regal Films, ang The Debutantes na mapapanood na sa October 4 sa miyembro ng Boyband PH na si Joao Constancia.

Mistulang baliw ito sa guwapo at mabait na binata na siya pa mismo ang pumupunta kung nasaan ang gig ng Boyband PH para makasama at makita ang binata.

Tsika nga nito sa grand presscon ng The Debutantes, “Grabe naman! Hindi naman po nabaliw sa pag-ibig, ang OA naman niyong nababaliw.

“Basta huwag muna, ang daming project, eh, Pero happy ako. Basta, ‘yun ang masasabi ko sa ngayon, hindi po siya pinakamalaking concern sa ngayon.”

Dagdag pa ni Sue, “Opo, we’re seeing each other, lumalabas po kami. Pero no pressure, kalma lang.

“Alam naman namin ‘yung priorities namin pareho. Sa ngayon, masaya kaming lumalabas. Mabait siya, caring, very pursigido siya sa mga ginagawa niya.”

At kahit nga walang pag-amin kung sila na ba ni Joao ay marami ang nagsasabing baka isinisikreto lang ng mga ito ang kanilang relasyon dahil grabe ang sweetness ng mga ito sa tuwing sila’y magkasama.

MATABIL
ni John Fontanilla



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …