DAHIL target ng kanyang bagong teleserye ang mga batang manonood malaking ang ginawa ni Meg Imperial na stop muna sa pagpapa-sexy.
Ani Meg sa isang interview, “Medyo nahihirapan nga akong mag-adjust. Kasi rati, puro drama, puro sakitan.
“Dito, parang kailangan maging mahinahon ka, kasi for kids.”
Dagdag pa nito ukol sa pagtigil sa pagpapa-sexy, “Ako naman, I don’t need naman na ilayo nang sobra.
“In time pa rin, I’m young, I have to portray pa rin something more edgy than the usual.
“Pero I’m open na sa light para may transition, para kapag binigyan ka ng mabigat na role, it’s a challenge for you talaga.
“Okay ako na mag-light na lang muna para may variety, hindi puro bigat, kasi nakaka-stress din.
“Sa pa-sexy naman, hindi naman sa tinatapos ko na siya that now I’m doing pambatang show.
“For now, ito ang na-offer and maganda ang project, sino naman ako para tanggihan pa?
“May moral lesson naman, hindi lang siya parang pambata lang.” pagtatapos ni Meg.
Sue, laging
nakabuntot
sa member
ng BoyBand PH
MARAMI ang nakapupuna sa pagbuntot-buntot ng isa sa lead actress ng inaabangang horror movie ng Regal Films, ang The Debutantes na mapapanood na sa October 4 sa miyembro ng Boyband PH na si Joao Constancia.
Mistulang baliw ito sa guwapo at mabait na binata na siya pa mismo ang pumupunta kung nasaan ang gig ng Boyband PH para makasama at makita ang binata.
Tsika nga nito sa grand presscon ng The Debutantes, “Grabe naman! Hindi naman po nabaliw sa pag-ibig, ang OA naman niyong nababaliw.
“Basta huwag muna, ang daming project, eh, Pero happy ako. Basta, ‘yun ang masasabi ko sa ngayon, hindi po siya pinakamalaking concern sa ngayon.”
Dagdag pa ni Sue, “Opo, we’re seeing each other, lumalabas po kami. Pero no pressure, kalma lang.
“Alam naman namin ‘yung priorities namin pareho. Sa ngayon, masaya kaming lumalabas. Mabait siya, caring, very pursigido siya sa mga ginagawa niya.”
At kahit nga walang pag-amin kung sila na ba ni Joao ay marami ang nagsasabing baka isinisikreto lang ng mga ito ang kanilang relasyon dahil grabe ang sweetness ng mga ito sa tuwing sila’y magkasama.
Jerico, mana
sa amang
si Gov. ER
MAIPAGMAMALAKI ang pelikulang Amalanhig: The Vampire Chronicle ng Viva Films at VicVal Blue Sapphire Productions dahil maganda ang pagkagawa nito mula sa mahusay na direksiyon ni Francis “Jun” Posadas at pinagbibidahan ng anak ni dating Laguna Governor ER Ejercito, si Jerico Estregan kabituin ang Kapuso star na si Sanya Lopez at napapanood na sa kasalukuyan.
Ginagampanan ni Jerico ang isang medical student na nag-iimbestiga kung totoong mayroong amalanhig (half-human, half-creature) sa isang probinsiya.
At sa pagpapalabas ng kanyang launching film ay hindi naman napi-preasure ang binata dahil napaghandaan naman niya ang pagsabak sa pag-arte sa pamamagitan ng acting workshops.
“Sa akin, hindi naman ako masyadong napi-pressure. More of excited kung anong magiging result ng movie namin.
“Kasi handa naman ako. Before doing this, inihanda ko ‘yung talent ko when it comes to this industry, ‘yung acting, hosting, dancing and singing.
“Kaya pagdating sa ganito, no pressure, normal lang sa akin kasi napaghandaan ko na talaga through workshops and I have to be ready,”
Dagdag pa nito, “Nakatulong sa akin ‘yung pagiging atleta ko. Madali rin lang naman, hindi sagabal ‘yung mga sugat-sugat kasi nga napunit ‘yung pants ko rito, eh.
“No major accidents naman, sugat lang, malalaking sugat lang. Pero okey lang naman.
“Parang walang ipinagkaiba iyan sa pag-aaral. Dapat kahit tapos ka na you will never stop studying and learning. Lalo na sa acting, I believe, continues learning process ‘yan, eh,” pagtatapos ng guwapong binata.
MATABIL
ni John Fontanilla