Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Drug war ni PRRD dapat nang ituon ng PNP vs financier na narco-pols

DAPAT ay walang sisihan, pero dapat ay magsagawa ng malawakan at komprehensibong pagtatasa ang Philippine National Police (PNP) kung ano na ang antas ng anti-drug war na isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Bakit kailangan ng malawakan at komprehensibong pagtatasa sa drug war imbes sisihin ang PNP?

Kasi binabansagan nang anti-poor ang drug war ng Pangulo. Bukod sa mga dukha ang biktima ng tokhang at double barrel ni PNP chief, Director General Bato dela Rosa, nagkaroon pa ng mga biktimang gaya nina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman.

Sila ‘yung mga pumutok, pero sa mga nakaraang operations ng PNP, marami na rin ang naiulat na itinumbang kabataan.

Hindi tuloy natin maintindihan kung sino ba talaga ang nananabotahe sa drug war ni Tatay Digong.

Kung tutuusin, ang target talaga ng Pangulo ay ‘yung mga big fish. Kaya nakapagtataka kung bakit sa araw-araw ay may napapabalitang itinutumba sa mahihirap na komunidad na hindi maintindihan kung user o pusher o nadamay lang.

Sa ibinunyag na drug matrix ni tatay Digs nitong Biyernes, lumalabas na ang mga narco-politicians sa Lanao del Sur ang nagpopondo sa Daesh ISIS inspired Maute terrorist group.

‘Yan umano ang dahilan kung kaya tumagal ang bakbakan sa Marawi City. Kung hindi tayo nagkakamali ay halos apat na buwan na.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella kahapon, ang narco-politicians sa Lanao del Sur drug matrix na ibinunyag ni Pangulong Duterte ay nasagasaan nang todo sa inilunsad na drug war ng administrasyon.

Kabilang sa mga tinukoy ng Pangulo sa matrix ang pamilya Parojinog sa Ozamiz City, at si dating Marawi City Mayor Fahad “Pre” Salic, isang Filipino-Chinese businessman na ang anak na babae’y kasal kay Johary Abinal (ex-husband ni Johaira “Marimar” Abinal), FM Muslimen Macabatok, Mayor Noron Dadayan (Buadiposo Buntong), Mayor Hadji Jamal Abdulsalam (Mulondo), Bonbola Radiamoda (Bayang, Lanao del Sur), Ansari Saripada Radiamoda (Lilod, Madava, Marawi City), Vice Mayor Noridin Adiong (Ditsaan, Ramain), Rangaig Mamarinta (Provincial Board Member, 1st District, Lanao del Sur) at Parahiman Batawi Ronda (Samer, Butig), Acong Domato at Haj Taha Abdullah (Barangay Baropit, Picong), at Gona Romoros Aba Saguiran (Barangay Bubong, Saguiran, Novaliches,Quezon City).

Mantakin ninyo kung gaano kalaki ‘yan?!

Nadurog ang Marawi, ilang mamamayan, mga sundalo at pulis ang nagbuwis ng buhay? Ilang babae ang nabiyuda? Ilang bata ang naulila? Ilang mga magulang ang nawalan ng gabay sa kanilang pagtanda?

At ‘yan ay dahil sa salot at demonyong ilegal na droga.

Gen. Bato Sir, maging matalas ka sana sa anti-drug war ng Pangulo. Huwag mo na payagang masabotahe pa ito.

‘Yun lang, Gen. Bato!

SEKYU SA KALIBO
INT’L AIRPORT
POWER TRIPPER
(Attn: CAAP & PNP-PSPO)

MAGKASUNOD na reklamo ang ating natanggap tungkol sa isang may sayad na “sekyu” or security guard na nagpakilala umanong siya ay si “Jeffrey Naplaza” na ngayon ay naka-assign sa Kalibo International Airport at konektado sa Eagle Security Agency, isang security agency na nakabase sa Iloilo province.

Masyado raw maangas, bastos at walang modo ang dating ng mokong!

Regular na naka-assign sa mismong entrance gate ng Kalibo Airport itong si Namplantsa ‘este Naplaza at ang trabaho ay mag-check ng mga sasakyan ng mga dumaraan sa nasabing airport.

Bitbit at nakatutok pa raw ang dalang shotgun at kapag nakikipag-usap sa mga driver ng mga sasakyang dumaraan ay daig pa ang mga taga-AVSEGROUP kung makapag-interrogate.

Wala naman problema sa ginagawa niya dahil bahagi ito ng security check ng airport pero ang problema ay wala raw good manners ang ‘ogag.’

Pati raw mga uniformed personnel sa airport gaya ng Customs, Immigration at Quarantine ay binabastos at hindi iginagalang ng tarantado at walang paki kahit may “legit” na law enforcers ang kaharap niya!

Tatanungin pa niya kung saan assign e naka-uniform na nga ang sinisita niya.

Pakengshet!

May tama pala sa utak ang isang ‘yan!!

Upon checking on his social media account, makikita sa hilatsa pa lang ng pagmumukha at sa mga retratong ipino-post ng Jeffrey Naplaza na ‘yan ay hitsurang halang ang bituka?!

Ikaw ba naman na isang sikyu ay magpo-post ng naka-shot gun at kasama ang kung sino-sino na pawang naka-tattoo ang katawan?

Normal ba sa isang matinong “security guard” ‘yan?!

Hindi siya karapat-dapat pahawakin ng baril at talaga namang puwedeng makadisgrasya sa isang maling saltik ng utak!

Marami na raw pinanggalingan na security agencies ang tukmol na ‘yan at lagi raw sinisibak dahil sa masamang ugali?!

Calling the attentions of Kalibo CAAP manager Efren Nagrama pati na ang owner ng Eagle Security Agency!

Hindi ba ninyo ini-screen ang mga taong tinatanggap nyo ninyo riyan sa KIA?

Hihintayin pa ba ninyong makadisgrasya ng empleyado o ng turista ang SG Jeffrey Naplaza na ‘yan bago ninyo itsugi diyan?!

SIBAKIN na ‘yan!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *