Monday , December 23 2024

Sabit sa Korean eskapo sinibak ni Comm. Morente!

UMAKSIYON na si Commissioner Jaime Morente at tuluyang sinibak ang ilang tiwaling bantay sa BI Warden’s Facility sa Bicutan.

Good job, Commissioner Bong!

Bunsod daw ‘yan ng pinatakas ‘este pagtakas ng Korean fugitive na si Shin Jaewon sa kamay ng kanyang escorts na sina JOs Alveen Esguerra at isang Kerwin Gomez.

Usap-usapan sa Bureau na nagbigay ng 100K ang Koreano kaya biglang na-blind spot ang mga escort.

Pakengsyet!!!

Sinasabing naka-eskapo ang pugante matapos samahan ng mga nasabing escort na dumaan sa SM Mall of Asia pagkatapos ng kanyang medical check-up ek-ek!

Talagang nakaplano na raw ang pagtakas ni Shin, matapos umugong ang balita na itinakas ang mga padalang pera ng ilang mga kasamahang Koreano na dapat ay ipadadala sa kanilang mga pamilya.

Ungas pala talaga!

Nanguna sa listahan ng mga sinibak si Bicutan Technical Alalay ‘este Assistant Jaime Butatae ‘este Bustamante kasama ang deputy warden at ilang mga guwardiya na nakatalaga roon!

‘Yan raw kasi ang nagbitbit at nagpapirma ng medical pass kay Commissioner Morente!?

Sonabagan!

Dapat kasi noon pa sinibak ang isang ‘yan!

‘Di ba nga, makailang ulit na natin inilabas ang ilang katarantadohan ng mga nagpapatakbo sa nasabing pasilidad?

Hindi lang iisang beses natin iniulat ang talamak na tarahan na nangyayari riyan gaya ng pagpayag nila sa paggamit ng cellphone sa kulungan.

Dalawang libo raw kada buwan ang ‘tara’ kada cellphone na ipasok sa loob!

Ganoon din ang pagsingil ng P50 mil hanggang P80 mil kada medical pass na mapaaaprubahan.

May bayad din ang ginagawa nilang escorting sa mga preso lalo kung ‘sex pass’ at higit sa lahat ang protection racket na kanilang ibinibigay para payagan ang sugalan ala-casino na nagaganap sa loob ng kulungan?!

Wattafak!?

‘Di ba nga at milyon-milyong piso raw ang pinapayagang maipasok sa nasabing pasilidad para gawing kapital ng isang Koreano na umaaktong ‘bangka’ sa poker na nagaganap diyan?!

Wattafak!

Hindi lang dapat i-relieve ang mga sangkot sa anomalya diyan kundi dapat din imbestigahan at patawan ng preventive suspension habang dinidinig ang kanilang kaso?!

Sa ngayon ay inilipat na umano sa BI main office sina Butasmante ‘este Bustamante at mga kasama niya.

Pero ano itong narinig natin na may nakatakda pa raw travel sa ibang bansa ang nasabing TA para mag-escort uli ng isang fugitive!?
Sus ginoo!

May staycation pa?

Iba ka talaga koya!!!

I doubt kung payag ba si SOJ Aguirre na bigyan ng travel order ang isang ‘yan matapos masabit sa nasabing iregularidad.
Aprub po ba sa inyo ‘yan, Secretary Aguirre?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *