MASAKIT na raw ang ulo ng daan-daang job orders employees sa BI ngayong nalalapit na ang paghuhukom ‘este pagtatapos ng kanilang kontrata sa darating na Disyembre.
Hanggang ngayon daw kasi ay wala pang kasiguruhan kung magkakaroon pa sila ng tatanggaping sahod pagkatapos ng Kapaskuhan.
Ang iba naman ay nag-aalala kung mare-renew ang kanilang mga kontrata.
Ang dahilan, wala pa rin linaw kung may allocated budget na para sa susunod na taon ang mga JO o ang mga natitira pang confidential agents sa ahensiya.
Paktay kang bata ka!
Ang mga CA at JOs ay malaking bahagi rin ng work force ng Bureau.
Noon pa man, sila ang karamihan sa gumagawa ng mga trabaho na dapat ay naiaatang sa BI organic employees.
Marami kasi sa mga permanenteng empleyado ay may “prima donna” attitude o ‘di kaya ay may superiority complex kaya ang mga JO ang nagiging tagasalo ng kanilang mga pagkukulang sa trabaho.
Halos lahat ng dibisyon sa BI ay may naka-assign na JO.
Mula OCOM hanggang sa Property Section at GSS ay nag-eempleyo ng JO para tagagawa ng mga trabaho sa kanila.
Maging airports at subports sa buong bansa ay mayroon ding mga JO.
Nasanay na sa ganitong sistema ang ahensiya. Kaya mula pa noong administrasyon ni former BI Commissioner Rufus Rodriguez ay nagha-hire na ng CA para punuan ang kakulangan sa manpower ng kagawaran.
Hanggang ngayon din kasi ay may naririnig tayo na marami sa mga JO ng Bureau ang wala pa ring kontrata pero nagtatrabaho pa rin.
For the love of the Bureau, huh?!
Well-compensated naman kaya sila para sa kanilang efforts?
Napaka-unfair naman kung sila ay nagtatrabaho nang walang tinatanggap na sahod!
Aware kaya ang mga taga-FMD sa nangyayaring ito?
Pero ano rin kaya ang “say” o ang aksiyon nila para paghandaan ang nakaambang suliranin para sa contractual employees?
May allocated budget na ba para sa mga JO sa susunod na taon?
O hintay na lang ng patak ng ulan galing sa itaas?!
Abangan!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap