PINABORAN ni Senadora Loren Legarda ang pagbibi-gay ng bilyong budget sa Shared Service Facilities (SSF) Project ng Department of Trade and Industry (DTI), naglalayong madagdagan ang productivity ng micro, small and medium enterprises o MSMEs para sa pagbibigay ng access sa maa-yos na kaalaman sa teknolohiya, kakayahan at maging sa pamamaraan.
Sa pagdinig ng 2018 budget ng DTI, hinimok ni Legarda ang naturang ahensiya na suportahan ang “nano” enterprise maging ang may kapital na P50,000 o mas mababa sa naturang halaga.
“It is important for us to recognize and support the efforts of all our entrepreneurs. These are Filipinos who lead a good life. Through these facilities, we also give them better opportunities to enrich themselves, while providing for their families,” ayon kay Legarda.
Hiniling din ng mambabatas, bilang chairman ng Senate Committee on Finance, sa DTI na tulungan ang state universities and colleges o SUCs sa kanilang livelihood projects.
(CYNTHIA MARTIN)