KAMAKAILAN, sinibak ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si Sugar Regulatory Administration chief, Anna Rosario Paner.
Natuklasan kasi na si Paner ay kumuha ng tatlong consultants at pinasusuweldo ng P200,000 bawat isa kada buwan.
Wattafak!
Ang suwerte-suwerte naman ng consultants na ‘yan, mantakin ninyo, P200,000 ang suweldo kada buwan?!
Nagagawa bang ginto ng mga ‘sulsultants’ ‘este consultants na ‘yan ang mga produkto nating asukal?
Sonabagan!
Kung tutuusin, ano ba ang silbi ng mga consultant sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan?!
‘E hindi ba’t bago maging opisyal ng isang ahensiya e sandamakmak ang aral na ginagawa nila?! Bukod sa mga seminar at crash courses na kailangan nilang i-comply, may Master’s Degree sila, ‘yung iba nga doctorate pa, tapos kailangan pa ng mga ‘sulsultant’ ‘este consultant?!
Bakit, saan ba kumuha ng MA o PhD ‘yang mga ‘yan, sa diploma mill ba?!
Hay naku!
Daming aral, daming dunong, dami rin diskarte para huthutan ang sambayanan.
Tanggalin ang ‘consultants’ sa lahat ng tanggapan ng ahensiya ng gobyerno!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap