INSUFFICIENT in form na, wrong verification pa.
‘Yan daw ang rason kung bakit ibinasura ng House justice committee ang impeachment complaint laban kay Commission on Elections chairman Andres Bautista.
Ang complaint ay inihain nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Occidental representative Jacinto Paras, na kapwa miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).
Ito ay kaugnay ng kabiguan ni Bautista na ideklara ang kanyang mga propriedad o ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) at umano’y iba pang ill-gotten wealth.
Mantakin ninyo, mali ang verification form na ginamit.
Basic rin daw dapat sa mga naghahain ng impeachment complaint na ang private complainants ay may personal knowledge sa kanilang mga alegasyon.
Kaya ang ginawa nina Topacio at Paras naghain sila ng substitute verification, para ituwid ang orihinal na naihain.
Inendoso ito ni Rep. Harry Roque, isa sa tatlong mambabatas na dati nang nag-endoso sa complaint.
Ang siste nga insufficient in form pa rin kaya hayun, tuluyan nang ibinasura ng House justice committee.
Strike two na kayo Atty. Topacio and VACC!
Una ‘yung kay Supreme Court Chief Justice Lourdes Sereno tapos ngayon itong kay Bautista.
Hindi tuloy maintindihan ng publiko kung seryoso ba si Topacio at ang VACC sa paghahain ng impeachment complain?!
O may iba pang nasa likod ng paghahain na ‘yan?!
Alam ba ninyong kapag nasampahan ng impeachment complaint ang isang opisyal ng gobyerno at na-dismiss, 12 buwan o isang taon na hindi sila puwedeng sampahan ng impeachment complaint?
Hindi ba inaral ni Topak ‘este Topacio, bilang abogado, kung bakit na-dismiss ang inihain nilang impeachment complaint kay Sereno?
Ay sus!
Uulitin lang natin ang tanong, hindi ba inaaral ng VACC ang pagsasampa ng impeachment complaint? Bakit?
Hmmmnnn…somethin’ smellin’ fishy here.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap