Sunday , December 22 2024

Nasa sa atin kung tayo ay maniniwala at susunod pa (Ikatlo’t katapusang bahagi)

GANITO rin ang ginawa ni Marcos sa panahon ng kanyang diktadura upang masupil ang protesta laban sa kanyang rehimen. Ang tanging naiba lamang ay hindi madugo, pero epektibo rin ang kanyang pamamaraan dahil siya ay isang tunay na intelektuwal.

Halimbawa, ginamit nang husto ni Marcos ang radyo, telebisyon at mga pahayagan upang maipalabas ang mga mapantakas na palatuntunan at propaganda ng kanyang administrasyon. Itinayo niya ang Cultural Center of the Philippines, the Philippine International Convention Center, Folk Arts Theater at ang Manila Film Center upang mabigyan ng susubaybayan ang taong bayan, katulad ng pagsubaybay sa bilang ng mga napapatay sa digmaan laban sa droga ni Duterte.

Sinamantala ni Duterte ang pagkahilig ng mga Filipino sa intriga, drama, chismis at malalaswang biro o green jokes sa pag-asta na walang sinasantong rebelde laban sa kasalukyang siste at isang kanto boy na handang murahin ang sinong makursunadahan. Puwede ngang sabihin na salamin si Duterte ng lahat na masama sa ating mga Filipino.

Kaya hindi kataka-taka ang mga walang pinag-aralan o mali ang napag-aralan ang tuwang-tuwa at tumatangkilik sa kabastusan ng asal ni Duterte at mga balahura niyang salita.

At upang lalong malito’t lalong mainis ang mga kritiko ni Duterte at para mapasunod niya ang bayan sa kanyang planong awtoritaryanismo ay inilatag niya sa liwanag ang kasaysayang itinago sa atin ng mga tradisyonal na lider oligarkiya tulad ng pang-aabuso ng mga mananakop na Amerikano noong panahon ng ating digmaan (1898-1901) hanggang ngayon.

Sa pamamagitan nito ay ibinisto ni Duterte kung paano tayo ibinenta ng mga ganid at traydor na tradisyonal na lider oligarkiya sa mga Amerikano.

Kahit ang kanyang pakikipagkaibigan sa Tsina ay maganda sana dahil isang paraan ito para maihiwalay ang oligarkiya ng bansa sa pagiging maka-Amerikano nito, kaso maliban sa pagpaparaya niya sa pagpapasasa ng Tsina sa ilang bahagi ng ating teritoryo, ay bahagi ito ng estratehiya para maitayo ang kanyang diktadura sa bansa.

Gusto ni Duterte na tayo ay maniwala na siya ay makabayan, na isang necessary evil ang kanyang digmaan laban sa bawal na gamot, na kailangan tanggalin sa puwesto ang mga pinuno ng Commission on Human Rights, Supreme Court at Commission on Elections, at higit sa lahat ay dapat nang baguhin ang 1987 Constitution.

Ngayon, bahala kayo kung matapos lahat nang ito ay maniniwala o susunod pa rin kayo sa gusto ng pangulong ito.

***

Galit ang mga Pinoy netizen sa ginawa ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Commission on Human Rights. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN
ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *