ISA lang daw ang medical pass sa mga ginagawang “raket” o “pangkabuhayan showcase” diyan sa Bureau of Immigration (BI) Warden’s Facility sa Bicutan.
Nariyan din daw ang singil na P2,000 kada buwan kada cellphone na ipinapasok ng mga dalaw sa nakakulong dito.
Sus ginoo!
So kung may 200 detainees na nakakulong sa pasilidad ngayon at ang 100 sa kanila ay nagpasok ng kanilang CP, malinaw na tumataginting na P200,000 kada buwan ang koleksiyon ng mga tagabantay?!
Ganern?!
Nariyan din ang singil sa mga nag-a-avail ng conjugal visit pati na ng mga ‘putakte’ na nagpapakilalang asawa ‘kuno’ ng mga preso.
Pakengshet!
Para rin palang sa munti ang kalakaran diyan!
Sa nakalap nating impormasyon, binabayaran din daw ang mga escort ng P5,000 kada isa sa mga naatasang sumama sa nag-a-apply ng medical pass ‘kuno.’
Hindi lang ‘yan!
Matapos daw magpa-check-up ‘kuno’ ang isang dayuhang preso, may ilan sa kanila ang idinaraan pa sa mga ‘spakol’ o club gaya sa Airforce One, Pegasus para kumuha ng babae at payagan na ‘tsumuktsak’ bago ibalik sa kulungan kapalit ng pera as in cold cash!
OMG!
Naturalmente, lahat ito ay may kaakibat na presyo o bayad!
Grabe na!
Kumusta naman kaya ang gabi-gabing pasugalan sa loob mismo ng isang ekslusibong VIP room ng isang Koreano na preso rin diyan?!
Balita natin umaabot na raw sa milyon ang naipapasok at pustahan na pera para lamang maisagawa ang sugalan/casino sa loob.
Alam na kaya ni BI Commissioners Morente, Deputies Javier at Aimee Neri ang mga katarantadohang ito?
Well, everybody knows na matagal nang umiiral ang ganitong sistema sa BI Warden’s Facility.
Hangga’t hindi ipinapatupad ang total overhaul sa hanay ng lahat ng mga nagpapatakbo ng pasilidad na ito, hindi malayo na ito ang magbigay-daan sa ikatatapos ng career ng tatlong commissioners ng Bureau!
At baka pati si SOJ Vitaliano Aguirre ay masapol rin!
Mark my words!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap