PARANG nag-iiskul-bukol lang si House Majority Floor Leader, Rep. Rodolfo Fariñas sa kanyang panukala na iliban o huwag isali ang mga mambabatas na makalalabag ng batas trapiko lalo na kung mayroong sesyon upang huwag daw mahuli sa Kamara.
At hindi lang iskul-bukol, parang gusto pang isabatas ni Fariñas ang ‘kaangasan’ ng mga kagaya niyang mambabatas.
Best example pa! Halimbawa raw, kung nakasagasa ang isang mambabatas na nagmamadali para habulin ang sesyon sa Kamara at nasugatan ang nasagasaan, huwag daw muna hulihin, hayaan munang magpunta sa Kamara at kapag natapos daw ang sesyon saka isusuko ng House Speaker.
Sonabagan!
Pakisilip nga ang talampakan ninyo congressman Fariñas, at baka napunta riyan ang utak ninyo, e madulas pa kayo ‘pag lakad ninyo!
Sapak talaga ang thinking mo Sir!
Sabayan mo na kaya ng hiling na bigyan kayo ng special lane?
E ‘yung plakang (8) otso nga lang ninyo, kung saan-saan na lang nakikita ng publiko. Kahit sa harap ng KTV club walang kahihiyan na ipinaparada, buong magdamag.
Aba, naiintindihan ba talaga ninyo ang tungkulin ninyo bilang mambabatas, kagulang-gulang ‘este Kgg. Fariñas?
Sa ibang bansa, walang exempted sa traffic altercation and violations. Kapag nahagip ng camera, tiyak na may darating na sulat dahil sa violation at pagdating ng bill ng credit card nila kasama na ang multa sa violation.
Kaya, ayaw na ayaw nilang masasangkot sa kahit anong klaseng traffic incidents.
Tapos dito sa atin, mga mambabatas pa ang mismong humihingi ng espesyal na trato kapag nasasangkot sa traffic incidents?
Wattafak!
Kaya mahirap malimutan ang minsang sinabi ni Pascual Racuyal: “Ang dapat sa Kongreso gawing piggery, para pagkatapos ng anim na buwan, may kikitain ang gobyernong Filipino.”
Hik hik hik…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap