NATURINGANG mas malaking movie outfit (Viva Films) ang pag-aari ni Mr. Vic Del Rosario pero mukhang pagdating sa ingay ng pelikula sa publiko ay mas matindi ang feedbacks ng “Ang Kwento ni Money” kaysa movie ng Viva na parehong pinagbibidahan ni Empoy Marquez.
Ang singer-businesswoman na si Claire dela Fuente ang producer ng “Ang Kwento ni Money” na last year pa ginawa ni Empoy. At ang sipag-sipag ng sikat na komedyanteng mag-promote ng film.
Dinalaw pa mismo si Claire sa resto ng singer sa Macapagal Avenue at sabay silang kumain ng kanyang producer.
“Noon pa ako bilib kay Empoy, hindi pa kumita ‘yung movie nila ni Alessandra de Rossi na Kita Kita ay na-vibes ko nang magiging superstar siya. At bilib ako sa taong ‘yan walang kaere-ere sa katawan at very appreciative sa lahat ng bagay. Sana tangkilin nila itong movie namin at sinisiguro kong mula umpisa hanggang ending ay matatawa sila at maaaliw kay Empoy at sa iba niyang mga kasamang artista,” pahayag ni Ms. Claire nang amin siyang makausap sa cellphone kamakailan.
Palabas sa October 25 in cinemas nationwide ang Ang Kwento ni Money na distributed ng Star Cinema at magkakaroon sila ng premiere night sa October 24 sa Megamall Cinema.
***
Coco Martin ayaw paawat
sa malakas na ratings gabi-gabi
ng “FPJ’s Ang Probinsyano”
Sobrang lakas ng impact sa televiewers ang episode noong 18 Setyembre (Lunes) ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na iniligtas ni Cardo/Fernan (Coco Martin) ang mga kasamahan sa SAF na sina SPO2 Ariel (Ejay Falcon) at PO3 Katarina (Louise delos Reyes) sa kamay ng grupo ng walang pusong rebeldeng si Alakdan (Jhong Hilario).
Masu-suspense ka naman talaga kasi kung ano ang mangyari sa eksena na baka malagay rin sa alanganin ang buhay ni Cardo e may misyon pa siyang dapat tapusin sa Pulang Araw.
Noong araw na ‘yon ay nakapagtala ang #FPJAPPagsalba ng rating na 43.2% sa National at 47.7% sa Rural base sa datos ng Kantar National TV Ratings.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma