TUNOG coño lang pala itong Aegis Juris fraternity pero utak-barbaro ang mga miyembro.
At ‘yun siguro ang malaking pagkakamali ng 22-anyos na si Horacio Tomas Topacio Castillo III, law student sa University of Sto. Tomas (UST).
Bumilib si Castillo sa Aegis Juris fraternity at pinaniwalaang mahusay na kapatiran kasi tunog coño nga.
Pero sa kabila pa pala ng mga utak-barbaro ang asal ng mga miyembro nito, duwag, mga walang bayag at mukhang wala sa katinuan ang mga utak.
Nang makita nilang hindi na makagulapay sa hirap ang 22-anyos na si Castillo, at inakalang patay, ibinalot lang sa kumot saka itinapon sa tabi ng kalye.
Ibang klaseng kahayupan talaga!
Sa official website ng Faculty of Civil Law sinabing ang Aegis Juris ay isang law school-based fraternity na itinatag noong 1979 at kinilala ng Office of Student Affairs.
Ang Aegis Juris umano ay naniniwala sa prinsipyo ng academic excellence, equality, godliness, integrity and service…
Academic excellence, equality, godliness, integrity and service?!
Kaya ba pinahirapan nang todo si Castillo? Binugbog, pinaso, hinataw nang walang patumangga dahil sa academic excellence, equality, godliness, integrity and service!?
Paano kaya ito ipapaliwanag ni UST Civil Law Dean Nilo Divina?!
Isinasaad sa Republic Act 8049 or the Anti-Hazing Law: “Hazing as an initiation rite that subjects new recruits in a fraternity to “menial, silly, foolish and other similar tasks or activities or otherwise subjecting him to physical or psychological suffering or injury.
“The law requires at least two representatives from the school or the organization to be present during the initiation to ensure that no physical harm of any kind will take place during the initiation.”
Klaro naman siguro ang batas na ‘yan, pero bakit may nakalulusot pang grabeng hazing kagaya ng nangyari kay Castillo!?
Sabi nga ng isang law student, “Sa tokhang, isang bala lang, todas na. Sa hazing, bugbog-sarado na at hindi na makahinga, ayaw pang tantanan ng mga master at mga lord!
Sonabagan!!!
Ang alam natin sa fraternity o sorority ay network ng mga estudyante para sa hinaharap lalo na kung makapagtatapos sila ng pag-aaral at magiging propesyonal like medical doctors and lawyers.
Fraternity hindi ‘gang’ na bugbugan at patayan ang paboritong activity.
Dahil ang Aegis Juris ay lokal sa UST, sino ang dapat managot sa kasong ito ni Castillo?
Baka naman, sandamakmak na imbestigasyon ang mangyari riyan pero wala namang resolusyon?!
Paging UST Civil Law Dean Nilo Divina!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap