NAINSULTO kaya si Transportation Secreatry Art Tugade nang sumakay sa habal-habal (motorsiklo) si Undersecretary for Road Transport & Infrastructure at concurrent Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Thomas “Tim” Orbos sa layuning malusutan ang matinding traffic at makarating nang maaga sa kanyang dadaluhang pulong?
‘Hinambalos’ daw kasi ng sermon ni Secretary Tugade si GM Tim dahil sa pagsakay sa habal-habal o mga motorsiklong namamasahero. Lumalabas daw kasi na parang kinokonsinti ng opisyal ang bawal na sistema ng transportasyon.
“I was really bothered if not alarmed by the statement of Usec. Orbos, naghabal-habal siya,” ani Tugade nang dumalo sa paglagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa Toll Collection Interoperability, na isinagawa sa lungsod ng Taguig.
Sinabi ni Tugade, ang ginawa aniya ni Orbos ay isang uri ng “unbecoming official” ng DOTr.
“I don’t like it, Mr. Orbos. We should not at all allow or encourage the use of habal-habal,” diin ni Tugade.
Parang kauna-unawa naman ang punto ni Secreatary Tugade.
Masama nga namang tingnan (sana hindi na lang sinabi ni GM Tim, hik hik hik), lalo’t ang Department of Transportation (DOTr) ay nakatutok sa komprehensibong pagpapaunlad at pagsulong ng sistema ng transportasyon sa bansa kabilang na ang pagluluwag ng trapiko.
Pero wait, Secretary Tugade, how about ‘yung mga opisyal ng gobyerno na tila hindi mareso-resolba ang nakabubuwisit na trapiko, hindi ba sila liable and accountable at hindi rin ba sila unbecoming public official dahil hanggang ngayon tila lalong lumala ang trapiko sa bansa, like you?
E baka naman ang reresolba sa traffic sa EDSA ay habal-habal pala, bakit hindi na lang iyon ang gawing solusyon hangga’t hindi pa natatapos ang mga proyektong impraestruktura na sinasabing magpapaluwag ng trapiko sa loob ng 10 taon?!
Baka naman pagkatapos ng infra projects na ‘yan ay hindi na rin kayang i-accomodate ang karagdagang populasyon na gagamit din ng iba’t ibang moda at sistema ng transportasyon?!
Sa ganang atin, mukhang nakatsamba ng solusyon si DOTr Usec. And MMDA GM Tim Orbos.
Kailangan nga lang, pag-isipan din mabuti kung saan ilalagay ang mga bus at iba pang moda ng transportasyon na lumalarga sa EDSA.
Ano sa tingin ninyo mga suki?!
Habal-habal na!
IMBESTIGAHAN
MEDICAL PASS
FOR A FEE!
(PAGING: SOJ
VITALIANO AGUIRRE)
ATING napag-alaman na hanggang ngayon ay tadtad pa rin ng iregularidad at raket ang kung ano-anong patakaran diyan sa Warden’s Facility sa Bicutan ng Bureau of Immigration (BI).
Gaya na lang ng mga banyagang nag-a-apply ng medical pass ‘kuno para sila ay pansamantalang makalaya at makabulakbol, sinasabing P50,000 hanggang P80,000 umano ang kalakaran para mabigyan sila!
Wattafak?!
Sa nangyaring patakas ‘este pagtakas kamakailan ng Korean fugitive na si Shin Jaewon sa SM-MOA, nai-proseso umano ito matapos paaprubahan ng isang Agent Jimmy Butatae ‘este Bustamante ang kanyang medical pass?
Magkano ‘este paano na isang Intel Agent at hindi mismong si BI Warden Edward Mabborang ang gumawa ng recommendation para rito?
What makes him so special, mga bossing?
Ilang nakalipas na issues ng ating pahayagan, ang kumukuwestiyon sa ilang aktibidad ng nasabing Agent diyan sa BI Warden’s Facility.
Maraming nagsasabi, mula pa noon ay maraming iregular na transaksiyon ang ilang agent 0-2-10 sa kulungang ‘yan sa Bicutan?!
Bakit kaya?
Ayon sa ilang staff ng BI Warden Facility, kung hindi puputulan ng mga pakpak ang gaya nitong si agent Bustamante, na hanggang ngayon umano ay malayang nakapaglalabas-masok sa pasilidad kahit hindi roon officially assigned,
asahan na masusundan ang ganitong uri ng kapalpakan.
Imagine, P50-80K per approved medical pass?!
Alam mo ba ang nangyayaring ito sa iyong teritoryo SOJ Vitaliano Aguirre!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com