Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Kulturang Palengke

There are two kinds of pride, both good and bad. ‘Good pride’ represents our dignity and self-respect. ‘Bad pride’ is the deadly sin of superiority that reeks of conceit and arrogance.   
— John C. Maxwell
 
PASAKALYE:
Nabalitaan ng inyong lingkod ang planong P1,000-budget na nais ipagkaloob ng Camara de Representantes sa Energy Regulatory Commission (ERC), batay sa deliberasyon ng proposed 2018 national budget noong 5 Setyembre.
Kaya umano ganoon kaliit ang budget na ibibigay sa ERC ay dahil sa mga report at reklamong mga anomalya at iregularidad sa loob ng komisyon.
Maaaring nakatutuwa ang balita pero sa likod nito’y may mga taong nagmamahal sa bayan na pinagmulan ng pagkakasiwalat ng nasabing mga kabuktutan sa loob ng tanggapan ng ERC.
Hindi ito kailangan isiwalat sa publiko sa pamamagitan ng media (o zarzuela)—tulad ng nagaganap ngayon sa Senado. Kung mayroon mang paglabag sa batas ang ginawa ng isang indibiduwal, mas nararapat na iharap ang usapin sa tamang venue—tulad ng korte.
Tama po ba?
 
INAKUSAHAN ni Pangulong Digong si Senador Antonio Trillanes IV na nagtago ng salapi sa ibang bansa ang dating Philippine Navy officer na namuno sa 2003 Oakwood Mutiny.
Sa hindi naman pagkampi sa magiting na senador, mukhang pinababa ng punong ehekutibo ang ‘presidency’ sa ginawa niyang rebelasyon kasunod ng mga banat ni Trillanes na ang anak ng dating alkalde ng Davao City ay miyembro ng Chinese criminal syndicate na Triad at si Rody nama’y isang amang konsintidor.
Hindi kailangan kaladkarin sa putikan ng pangulo ang Tanggapan ng Pangulo ng Filipinas dahil sa nais niyang gumanti sa mga patutsada ng kanyang kaaway—o hindi kasundo (sa politika).
Ganito rin naman ang ginagawa ng ilang mga senador na puro na lang batuhan ng dumi ng iba ang pinapairal sa Senado, sa halip na hanapin at alamin ang katotohanan. Para silang mga tindero sa palengke na kanya-kanyang baho ang ibinebenta!
Ito na ba ang masasabing kulturang palengke na umiiral sa Mataas na Kapulungan?
Nagtatanong lang po…
 
MABALIK tayo sa kaso ng ERC…
Ang dapat na ginawa ni Pangulong Duterte ay sampahan ng reklamo si Trillanes sa sinasabing pagtatago ng yaman sa abroad.
Suggestion lang po…
***
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text n’yo sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *