Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Aping mga manggagawa sa Jelly House

HINDI ko alam na hanggang ngayon pala ay umiiral pa rin ang sinasabing garapal na pagsasamantala ng mga kapitalista sa mga manggagawa. Naalala ko tuloy ang panahon ng dekada ‘70 na tinawag ang Valenzuela City bilang “strike capital of the Philippines.”

 Ang Valenzuela ang may pinakamaraming pabrika sa Metro Manila, kaya nang pumutok ang mga kilos-protesta noon, sunod-sunod ang ginawang welga ng mga manggagawa at nalantad ang mga kawalanghiyaan ng mga kapitalista sa Valenzuela City.

 Kaya nga, nagulat na lamang ako kamaka-ilan nang may mag-abot sa akin ng isang polyeto na nagdedetalye sa iba’t ibang anyo ng pagsasamantala ng Jelly House Corporation na matatagpuan sa San Francisco Street, Valenzuela City.

 Dahil gusto kong makasiguro kung totoo nga ang nilalaman ng polyeto, minabuti kong kausapin ang ilan sa mga mangagawa ng Jelly House para kompirmahin kung totoo ang sina-sabing pagmamalupit ng management na nakasaad sa polyeto.

 At tama nga ang sinasabi sa polyeto. Mula sa hindi pagpapatupad ng minimum wage na itinakda ng batas, hindi pagkakaloob ng sick leave at vacation leave, walang bayad sa overtime, hindi pagbabayad ng tamang 13th month pay at walang regularisasyon sa trabaho, umiiral ang unfair labor practices (ULPs) sa nasabing pagawaan.

Kung ganito ang kalagayan ng mga manggagawa sa Jelly House dapat sigurong kumilos si Labor Sec. Silvestre Bello at kausapin mismo ang may-ari ng pagawaan at sampahan ng kaso para matigil na ang pagmamalupit sa mga manggagawa.

Dapat din kuwestiyonin ni Bello ang district labor officer at mga representative nito kung bakit hindi nila ito nakita,  at kung bakit nila hinayaan ang ganitong pagmamalabis na ginagawa ng management ng Jelly House. Bakit hindi sila ipatawag ni Bello, at sibakin sa puwesto.

Sa ngayon, nahaharap sa isang matinding pagsubok ang mga manggagawa ng Jelly House dahil sa nalalapit na eleksiyon na magbibigay-daan kung nararapat bang magkaroon ng unyon sa kanilang pagawaan.

Sa mga manggagawa ng Jelly House, hindi kayo dapat matakot dahil karapatan ninyo ang magkaroon ng unyon.  Napatunayan na sa karanasan na higit na may “boses” ang mga manggagawa kung mayroon kayong unyon sa inyong pabrika.

Magkaisa at magkapit-bisig! Sa ganitong paraan mawawakasan ang pagsasamantala ng mga kapitalistang gahaman sa tubo. Kung pada-dala kayo sa inyong takot, magpapatuloy lamang ang ginagawang pang-aapi sa inyo ng management.

 At sa labor organizers naman, huwag ka-yong magtago. Ipakita ninyo ang inyong tapang para pamarisan kayo ng mga inaaping manggagawa.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *