Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

“Peryahan ng Bayan” na idineklarang ilegal ng PCSO dapat nang itigil! (Paging PNP, DILG at NBI)

BILIB tayo ngayon sa bagong pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pangunguna ni ret. Gen. Alexander Balutan bilang general manager.

Seryoso, dedikado at determinado si GM Alex Balutan na tuluyang maipahinto ang mga ilegal na sugal lalo na ‘yung ginagamit ang sistema ng programa ng PCSO gaya ng Small Town Lottery (STL). Kung matatandaan, mayroong mga naglabasang balita na ang bagong palaro ng PCSO ay “Peryahan ng Bayan” kapalit umano ng STL. Pero mukhang iyon ay grand media operations ng mga gambling lords.

Kaya nanindigan ang PCSO at inilinaw sa publiko na walang awtorisasyon at superbisyon nila ang “Peryahan ng Bayan.”

Malungkot ang PCSO dahil hanggang ngayon ay namamayagpag pa ang nasabing illegal gambling sa buong bansa lalo sa Metro Manila.

Nararahuyo ang ilan nating mga kababayan na tumaya sa nasabing ilegal na pasugal dahil ginagamit nga ang PCSO pero sa katotohanan ay hindi kumikita at hindi nakikinabang ang gobyerno at ang mamamayang Filipino.

All-out war laban sa ilegal na sugal gaya ng jueteng, virtual 2, masiao, swertres, at kasama na riyan ang peryahan, ang idineklarang Executive Order No. 13 ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte pero nakapagtataka na namamayagpag pa rin ang ilegal na Peryahang Bayan sa buong bansa lalo sa Metro Manila.

Sistema ng jueteng ang ginagamit sa palarong peryahan. Pipili ang mananaya ng dalawang kombinasyong numero mula 1 hanggang 38. Inililista ang itinatayaang mga numero gamit ang gadget.

Ayon mismo sa PCSO, ang jueteng at iba pang numbers game at ang peryahan ay nagdudulot ng malaking pagkalugi sa revenue collections ng ‘expanded’ Small Town Lottery (STL).

Kitang-kita natin ang pagsisikap ng PCSO na tuldukan ang ilegal na sugal pero mukhang hindi nararamdaman ng publiko ang sigla at sigasig ng ilang law enforcement agency para tulungan sila.

Nakikiisa bang talaga ang Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at National Bureau of Investigation (NBI) sa PCSO para masawata nang tuluyan ang ilegal na sugal?

Anemic pa rin kaya ang PNP sa pagtulong nila sa PCSO para sudsuurin ‘yang mga ilegal na sugal na ‘yan?! How about DILG and NBI, masigla ba naman ang kanilang anti-illegal gambling operations?!

Alam po ba ninyo, mga suki, kung patuloy na mamamayagpag ang ilegal na sugal laban sa legal na STL, Lotto at iba pang produkto ng PCSO, na tanging legal na lottery game sa bansa, e marami tayong mga kababayan na nangangailangn ng tulong ang mapapabayaan.

Sa kasalukuyan kasi, mayroong 92 aprubadong Authorized Agent Corporations (AACs) na binigyan ng PCSO ng awtorisasyon para maglaro ng STL. Mahigit P1 bilyon kada buwan ang koleksiyon mula sa palarong STL at diretso ang kita sa kaban ng gobyerno.

Ang 30 porsiyento sa kabuuang kita mula sa STL at iba pang lottery game ng PCSO gaya ng Lotto, Keno, EZ2, at Suertres ay awtomatikong napupunta sa pondo ng serbisyo’t kawanggawa pambili ng gamot at gamit medikal na ipinamamahagi nang libre sa mamamayan lalo sa mga kapos-palad nating kababayan.

Isa po iyan sa dahilan kung bakit dapat makiisa ang mga mamamayan sa kampanya laban sa ilegal na sugal.

Suporatahan po natin ang PCSO laban sa ilegal na sugal.

HOAX EMAIL NG PINSAN
NG PASAY BARANGAY
CHAIRMAN ‘GINAMIT’
SA BLACK PROPAGANDA

DESMAYADO ang detractor/s ni Pasay barangay chairman Ronnie Palmos dahil maging ang pangalan ng kanyang pinsan ay ginamit para siraan siya sa publiko.

Bukod sa pinsan ni Chairman Ronnie, idinamay pa ang kolum ng inyong lingkod para lumabas na kunwari ay totoo ang kanyang akusasyon.

Ginamit ng suspek ang pangalan ng pinsan ni Chairman na si Eric Palmos at ginawaan ng isang pekeng email address saka nag-email ng sumbong/reklamo sa ating kolum na Bulabugin.

Ilang beses itong ginawa ng suspek. Sa huli, ipinatago pa ang kanyang ‘email’ kunwari para sa kanyang kaligtasan.
Pero sorry na lang dahil nabisto ang gimik nitong detractor ni Chairman Ronnie.

Buking!

Sa bahagi ng inyong lingkod, humihingi tayo ng paumanhin dahil nagamit tayo ng mga taong nagpapanggap na nagmamalasakit pero sa totoo lang ay mayroong ulterior motive sa pamomolitika.

Bukas, abangan po ninyo at ilalathala natin ang liham ni Chairman Palmos.

Sa iyo, Chairman Palmos, nawa’y dumami pa ang mga kagaya ninyo sa serbisyo publiko.

PUGANTENG KOREANO
PINATAKAS O NAKATAKAS!?
(ATTN: SOJ VITALIANO
AGUIRRE)

NOONG nakaraang Linggo, ginulantang ang inyong lingkod sa napabalitang pagkakatakas ng isang puganteng Koreano na si Shin Jaewon.

Sonabagan!!!

Na naman?!

Well, what’s new!?

Si Shin Jaewon, 34 anyos, ay naaresto noong isang taon at nakakulong sa Bureau of Immigration Bicutan warden’s facility matapos mapag-alaman na may kaso pala itong “fraud” sa kanyang sariling bansa.

May pending warrant of arrest din ito sa Interpol.

Sinasabing sumalang ito sa medical check-up ‘kuno’ sa Quezon City matapos maglagay ‘este’ aprubahan ang kanyang application for medical pass.

Nakapagtataka naman na pinayagan ito ng kanyang mga Immigration job order “escorts” na dumaan sa SM Mall of Asia para raw lumafang ng tanghalian!

Sonamabits!

Di ba malaking kaistupiduhan ‘yan?!

Pugante at detainee papayagan mamasyal sa MOA!?

Sa ngayon daw ay mariing sinusuyod ang lahat ng lugar na malamang pinagtataguan ng pumugang Koreno.

‘Yan ay kung makikita pa nila ‘yan!

Sina Alveen Esguerra daw at Kerwin Gomez, kapwa hao-shiao ‘este’ Job Order (J.O.) employee ng ahensya ang magkatuwang na umescort sa Koreano ay kasalukuyan ngayong iniimbestigahan dahil sa kanilang katangahan ‘este’ kapabayaan!

Ang tanong ng nakararami, magkano ‘este’ bakit pinayagan ng tumatayong warden ng BI Warden’s facility na si Immigration Of-fixer este’ Officer Edward Maborang na mag-escort ang parehong job orders sa Bureau!?

Ano ang kanilang liability kung sakaling dumaan sa ganitong klaseng insidente ang parehong J.O.?

Pakisagot nga ang bagay na ito, parekoy?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *