Ipinagpalagay ni Duterte na kung rehabilitate at maipalilibing niya si Marcos sa LnB (isang kilos na walang nagtangkang gumawa sa mga dating pangulo ng bansa) nang walang kuskos-balungos, ay magagawa niya ang lahat ng kanyang gusto kung paano niya patatakbuhin ang pamahalaan na walang oposisyon.
Pansinin na lahat ng hakbang ni Duterte mula nang maupo sa poder, kabilang ang paglulunsad ng pekeng digmaan laban sa bawal na gamot, ay patungo lahat sa pagtatatag ng isang anti-demoktratikong porma ng pamamahala o ‘yung tinatawag na “one-man rule.”
Ang rehabilitasyon ni Marcos, ang banat sa lahat ng demokratikong institusyon o kaugalian tulad ng malayang pamamahayag, progresibong simbahan, aktibistang hudikatura, malayang kongreso, mga grupong civil society, labor, estudyante at komunidad; maging ang kanyang batikos sa walang ngipin na Commission on Human Rights ay nagbigay hugis sa tunay na balakin at kulay ni Duterte para sa pamahalaan.
Ang kanyang palagiang panghihikayat sa mga miyembro ng Philippine National Police at mga “concerned individuals” na pumatay sa ngalan ng kanyang digmaan laban sa droga na sa kasalukuyan ay nagbunga na ng mahigit sa 13,000 kamatayan ng mga pinaghihinalaang adik at tulak ng bawal na gamot. Isa itong malupit na paraan upang mailigaw ang mamamayan sa tunay na proyekto ng administrasyong ito.
Ang araw-araw na pagpatay sa mga taong may kinalaman umano sa bawal na gamot ay naging isa nang “reality show” para sa ating mga Filipino. Ang mga karakter at saksi sa pagdanak na ito ng dugo ay mismong ang taong bayan na kinakasehan ng marami sa main stream media. Wala halos sinasanto ang mga mamamatay tao – matanda, babae, teenager o bata – maliban na lamang doon sa mga kakampi ng administrasyon na sobra ang yaman o kamag-anakan ng mga nasa poder.
Ang patayan na nagaganap ang naging piring sa mata ng bayan upang hindi nito maaninaw ang proyekto na pagtatayo ng diktadura sa kapuluan.
Ang taktikang ito ni Duterte ay kahalintulad sa ginawa ng mga emperador na Romano sa kanilang mga mamamayan, mahigit 2,000 taon na ang nakalilipas.
Sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga madugong bakbakan ng mga gladiator sa mga naglalakihang kolosiyum ay napatahimik ng mga emperador ang mga Romano.
***
Bayanihan ng mga Pinoy lumabas sa gitna ng unos na si Harvey. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
***
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.
USAPING BAYAN
ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK