MATAPOS aprubahan ng Kamara ang P1,000 budget para sa Commission on Human Rights (CHR) lalo pang uminit ang isyu sa pinaniniwalaang malalang paglabag sa karapatang pantao ng ipinatutupad na giyera laban sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte.
Ayon sa ilang human rights advocates, ang P1,000 budget para sa CHR ay tila “adding insult to injury” habang nag-aalboroto ang mga dukha na naniniwalang anti-poor ang anti-drug war na isinusulong ng administrasyon sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP).
Kung babalikan natin ang pahayag ng Pangulo kaugnay ng kanyang maigting na kampanya sa ilegal na droga, una niyang inupakan ang public officials at nargo-generals na sangkot sa illegal drugs.
Hindi ba’t may iniladlad na listahan ang Pangulo na umano’y mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa droga?!
Isinampol pa nga ng Pangulo si Senador Leila De Lima na ngayon ay nasa kalaboso na dahil sa Bilibid drugs. Napatay naman sina Datu Saudi Ampatuan Mayor Samsudim Dimaukom, Albuerra, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., at Ozamiz Reynaldo Parojinog Sr., dahil sa pagkakasangkot sa droga.
Kasunod ng mga pagkakapaslang na ito, na marami rin ang nag-ingay, ang sunod-sunod na pagtumba ng mga hinihinalang tulak o pusakal na adik sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Marami sa kanila ay hindi bigtime, sabi nga maglulupa lang, ‘yung sumisistema lang para makagamit.
Hanggang nitong nakaraang buwan ng Agosto, nagkasunod-sunod na ang pagpaslang sa mga kabataan na noong una ay nawawala hanggang matagpuang bangkay sa malalayong lugar sa kanilang tahanan.
Sa panahong ito, nabansagang anti-poor ang iwinawasiwas na giyera kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte sa pangunguna ng PNP.
At pagatapos biglang inaprubahan ng Kamara ang P1,000 budget ng CHR na ang Chairman na si Commissioner Chito Gascon ay laging nagpapahayag ng kanyang disgusto sa administrasyong Duterte.
Kung tutuusin, marami rin ang nagtatanong sa hanay ng mga mamamayan kung bakit tamilmil ang CHR sa napakaraming paglabag sa karapatang pantao.
Mismong ang inyong lingkod ay nakaranas ng pambabalewala sa ahensiyang ito ng pamahalaan. Naghain ng reklamo ang inyong lingkod laban sa mga pulis na umaresto sa akin noong 5 Abril 2017, araw ng Linggo at Pasko ng Pagkabuhay sa kasong Libel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Maliwanag na hindi lamang ako, bilang indibiwal, ang nilabag ang karapatang pantao. Binastos at dinahas din ng mga umarestong pulis ang press freedom at ang memorandum of agreement (MOA) ng press people at ng DILG/PNP.
Hindi ba’t maliwanag na pandarahas iyon? Hindi heinous crime ang kasong nakahain laban sa akin, kundi LIBEL.
Pero nang maghain tayo ng reklamo sa CHR, ‘e mukhang tinulugan lang.
Sa ganang atin, kung may delicadeza si Commissioner Chito Gascon, mas makabubuting mag-resign siya dahil klarong-klaro ang disgus-to niya sa Duterte administration.
Hindi rin naman makatuwiran na bilang chairperson ng CHR ay nakikita ng sambayanan na kaya niya pinupuna ang Duterte administration ay dahil nakakiling pa rin siya sa administrasyong nagtalaga sa kanya sa nasabing puwesto.
At hindi naman siya pinaplastik ng Kamara, ang gusto nga lang nila ay mag-resign si Gascon at muli nilang ire-realign ang budget ng Komis-yon.
Mukhang hindi na rin naman kaya ni Gascon ang kanyang tungkulin dahil sa estado ng kanyang kalusugan.
Iika-ika kung maglakad si Gascon, maputla at malaki ang inihulog ng katawan, tingin ba niya ay nasa tamang kalusugan pa siya para pamunuan ang CHR?
Maraming puwedeng pumalit kay Gascon. Nariyan ang mga Commissioner na sina Karen S. Gomez Dumpit, Gwendolyn Ll. Pimentel-Gana, Roberto Eugenio T. Cadiz, at Leah C. Tanodra-Armamento.
Kung hindi tayo nagkakamali, si Commissioner Armamento ay dating Undersecretary sa Department of Justice (DoJ) bago siya maitalaga sa CHR at nakikita natin na mapamumunuan niya nang tama ang CHR.
Dito maipakikita ni Gascon kung talagang siya ay nagmamalasakit sa sambayanan…
Pahinga na Commissioner Gascon.
PASAY BARANGAY
CHAIRMAN BIKTIMA
NG PANINIRA
HETO ang isang barangay chairman mula sa Pasay City na nagpapakita na malinis ang kanyang konsensiya — si Barangay Chairman Ronnie Palmos. At para maging malinaw ito sa publiko, siya mismo ay gumawa ng imbestigasyon hinggil sa mga paninira laban sa kanya. Hindi siya gaya ng ibang public official na kapag naupakan ay nanggagalaiti sa galit, mura nang mura at nagpupuputok ang butse sa social media.
Si Chairman Ronnie, mulat siya na mayroon siyang public accountability bilang public servant kaya kung mayroong nalalathalang mga kagayang reklamo, alam niya na kailangan niyang magpaliwanag.
Si Chairman ay biktima ng mga gawa-gawang reklamo at nito ngang huli ay isinasangkot siya sa ilegal na droga.
Hindi niya pinansin ang unang paninira, pero ngayon ay kumibo na si Chairman dahil iniuugnay siya sa ilegal na droga, kailangan niyang kumibo bilang proteksiyon unang-una ng kanilang barangay, ng kanyang pamilya at ng kanyang sarili.
Sa bahagi ng inyong lingkod, humihingi tayo ng paumanhin dahil nagamit tayo ng mga taong nagpapanggap na nagmamalasakit pero sa totoo lang ay mayroong ulterior motive sa pamomolitika.
Narito ang liham ni Chairman Palmos.
Sa iyo, Chairman Palmos, nawa’y dumami pa ang mga kagaya ninyo sa serbisyo publiko.
11 September 2017
MR. JERRY YAP
c/o HATAW
National Press Club Building
Intramuros, Manila
Sir:
This has reference to a certain posts titled “PAKISAGOT LANG BRGY. CHAIRMAN PALMOS and “REKLAMO KAY BRGY. CHAIRMAN RONNIE PALMOS” posted in your column BULABUGIN of HATAW Tabloid newspaper the latest of which was published on 11 September 2017.
Please be informed that the subject aforesaid complaint of the unidentified person is just another baseless allegations and I am very sure that the same was perpetrated by one and the same individual who previously filed a same complaint against my person with the Department of the Interior and Local Government, Pasay City District Office sometime in last part of the year 2016. However, considering that he failed in his previous cause, this time he/she used your column so as to sustain personal hatred and motives now adding a false accusation that a proliferation of drug pushers and addicts is now rampant within my barangay. These allegations are merely figments of the wild imagination of the unnamed complainant as he/she did not corroborate it with necessary evidences to support his/her claim. As far as the barangay funds is concerned that he/she questioned, this manifestation was likewise already brought by this mysterious complainant to concerned government offices/agencies but was later on dismissed for want of merit and basis. Moreover, I wish to inform you that this cowardice is keen on using other identity in order to ruin my personality and satisfy his evil motives. In the previous complaint this unnamed complainant utilized the name of RODEL OGAD in filing alleged graft and corruption charges against me with the DILG Pasay City District Office. However, the true person named Rodel Ogad surfaced and vehemently denied that he was the one who prepared and submitted the said complaint. He even prepared and submitted an affidavit to sustain his claim. These documents are annexed hereto as corroborative to my contentions. This time, he used the name and alleged email address of my cousin ERIC PALMOS in reporting an unfounded accusation in your column. My cousin likewise vehemently denied these when he made a personal communication with you thru your website.
I have been pressured to prepare this reply as this unmade complainant is now utilizing the alleged drug menace in order to destroy my person and credibility as barangay chairman in my community. His accusations created great embarrassment and public ridicule to me and my family considering that I strongly support the campaign of our government in fighting illegal drugs. However, perusal of the complaint would grossly indicate the complainant’s propensity to tell a falsehood, and needless to point out that the complaint is riddled with inconsistencies and propaganda. The factual antecedent that this alleged complainant wants to maliciously inject into your column is that, by reason and because of his intention to hide the true facts, he threw everything to herein respondent and made himself appear defrauded, robbed and victimized, and thus, clean. As mentioned already, what he alleged in his complaint is a tell tale. Such presentation of facts does not even stand to reason. He did not even submitted an statement from an independent person to corroborate his/her contentions.
Thus, this instant complaint filed by this anonymous complainant against the herein Punong Barangay is a clear case of harassment and intended to cause further damage to me and my family. It is noteworthy that this complaint which were published in a news paper in gene-ral circulation caused me and my family so much humiliation and so much damage for complainant’s malicious actuations. We are now in the process of identifying this unnamed complainant’s true and real identity and present whereabouts in order to refer the matter to my legal counsel and file criminal charges so that he/she be prosecuted in the crime committed and to protect my rights and interests under the law.
Hoping that this representation and explanation will enlightened and merit your kind consideration.
Very respectfully yours,
RONNIE PALMOS
Chairman
Barangay 139, Zone 1
Pasay City
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com