Thursday , December 26 2024
Sipat Mat Vicencio

Ang coño, bow!

BAGAMAT hindi pa naman pinal ang budget na P1,000 na ipinagkaloob ng Kamara sa Commission on Human Rights, walang ibang dapat na sisihin sa mga pangyayaring ito kundi mismong ang chairman ng ahensiya na si Jose Luis Martin “Chito” Gascon.

Kung hindi kasi naging partisan itong si Gascon, malamang na inaprubahan ng Kamara ang hinihinging budget ng CHR na nagkakahalaga ng P678 milyon para sa 2018. 

Sa botong 119-38 nagkasundo ang mayorya na bigyan lamang ng P1,000 budget ang tanggapan ni Gascon.

Sa panunungkulan ni Gascon bilang chairman ng CHR, naging gawi na niya ang batikusin ang mga programa ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kontra sa ipinagbabawal na droga. Sa halip na bantayan ang mga kriminal at abusadong mga pulis, natuon ang pansin si Gascon sa pagbatikos kay Digong.

Maitatanaong din kung bakit nanahimik itong si Gascon nang ipakulong ni Rep. Rudy Fariñas ang tinaguriang “Ilocos 6” sa kabila na wala namang napapatunayang kasalanan.  Ano ang ginawa ni Gascon? Wala!

Hindi ba party-mate ni Gascon si Fariñas?

Walang ipinagkaiba si Gascon sa mga senador na dilawan tulad nina Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Franklin Drilon at Bam Aquino. 

Tulad ni Gascon, walang bukambibig ang nasabing mga senador kundi ang salitang EJK (extrajudicial killings) na umano’y pakana ng administrasyon ni Digong.

At ngayon, matatag ang paninindigan ni Gascon, sa kabila ng mga panawagang magbitiw na siya sa kanyang puwesto, na hindi niya iiwanan ang chairmanship ng CHR at dudulog siya sa Senado para makuha ang hinihinging budget ng ahensiya.

Kung tutuusin, si Gascon ang nanggulo sa CHR, at dahil sa kanyang pagkiling sa kanyang partido pati tuloy mga maliliit na empleyado ay apektado ngayon. Malamang kasi na maipit ang kanilang mga suweldo at benepisyo sakaling walang maayos na budget na maibigay sa tanggapan.

Hindi magandang magmatigas si Gascon, at ang mabuti niyang gawin ay magbitiw na lamang siya para sa kapakanan ng nakararaming empleyado ng CHR. 

Kalabisan na ang manatili si Gascon sa CHR dahil hanggang ngayon ang kinikilala pa rin ni-yang pangulo ay si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Mukhang likas na matigas talaga ang ulo nitong si Gascon dahil sa hilatsa pa lang ng pagmumukha niya’y masasabing isa siyang coño at arogante. 

Sana nagkakamali ako pero mas mabuti talagang lisanin na niya ang CHR para sa katahimikan at kapanatagan ng lahat.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *