Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Red Cross grand matriarch, Ms. Rosa Rosal nagsalita hinggil sa P200-M anomaly

ISA tayo sa mga nalulungkot sa nangyayaring kontrobersiya ngayon sa Philippine Red Cross (PRC) na kinasangkutan ng P200-milyong anomalya.

Ayon kay Red Cross matriarch, Ms. Rosa Rosal, sa loob ng kanilang 63 taon, ngayon lamang sila nasalang sa ganitong eskandalo at ngayon lamang nagkahati-hati ang mga opisyal.

Isa sa itinuturong dahilan nito, ang akusasyon ni dating chief accountant Jeric Sian laban kay Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang.

Kabilang dito ang umano’y kuwestiyonableng transaksiyon na awtorisado ni SecGen na P1.8 milyong halaga ng baller IDs na may pangalan ni Chairman Richard “Dick” Gordon noong ilunsad ang kanyang presidential candidacy noong 2009 at 2010.

Ang WOW tarpaulins tampok ang partnership ng tourism at LGUs na may mga mukha muli ni Gordon. Paglipas ng apat na buwan matapos itong kuwestiyonin, sinibak si Sian. Nasampahan din ng asuntong libel matapos i-post sa social media ang kanyang mga akusasyon. Dahil dito, umapela ang Red Cross Matriarch para sa isang full financial audit ng isang reputable multinational auditing firm na sinuportahan naman ng tatlong chapter na kinabibilangan ng Davao, North & South Cotabato.

Palagay natin ay dapat na ngang isalang sa full financial audit ang PRC, ‘yan ay upang malusaw ang ‘alapaad ng mga pagdududa’ hindi lamang sa mga opisyal na inaakusahan kundi para maipaliwanag sa madla kung ano ba talaga ang nangyayari sa loob ng organisasyon ng PRC.

May karapatan po ang publiko na maliwanagan ang mga isyung ’yan sa loob ng PRC dahil lahat ng mga estudyante, taon-taon ay binebentahan ng tiket ng Red Cross.

Ibig sabihin, sa bulsa ng maliliit na mamamayan nanggagaling ang pondo ng PRC na supposedly ay nagseserbisyo sa publiko hindi sa ‘luho’ ng ilang opisyal.

Anyway, umaasa tayo na magkakaroon ng kasagutan at kalinawan ang ‘alapaap ng pagdududa’ ng publiko hinggil sa P200-anomalya sa PRC.

Go and fight, Ms. Rosa Rosal!

Kim Wong at remittance
firm absuwelto?
BAKIT SI Ms. MAIA
DEGUITO LANG
ANG MAY ASUNTO?

HAHARAPIN mag-isa ni dating Rizal Commercial Banking Corp., (RCBC) branch manager Maia Deguito ang asuntong money laundering kaugnay ng US$81 milyong cyberheist sa Bangladesh central bank matapos maabsuwelto ang mga kasama niyang akusado.

Sa awa ng makapangyarihang manipulators, walong kaso lang naman ang hinaharap ni Deguito at ang balita natin ay hilahod siya ngayon sa paglalagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang himutok nga ni Ms. Deguito bakit ‘yung remittance firm na Philrem na pag-aari nina Michael & Salud Bautista, naabsuwelto sa asunto?

Si Kim Wong na nagsauli ng US$4.6 milyon at P450 milyon, na dala raw ng gaming client na hindi niya alam na galing sa ilegal na pamamaraan, absuwelto rin sa asuntong money laundering gayong siya ang casino junket operator.

Samantala si Deguito na inutusan lang ng kanyang mga boss na sina RCBC president Lorenzo Tan at treasurer Raul Tan (kapwa wala na sa nasabing banko) ay siya ngayong nadidiin.

Sabi ni Deguito, ‘sobrang obvious’ ang pagkaka-absuwelto ng ‘malalaking tao’ sa sinasabing napakalaking kaso ng money laundering sa ating bansa.

Paki-explain, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *