Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpi-pitch-in ni Yam sa TV Patrol, nag-trending

NAG-TRENDING ang muling pagpitch-in ni Yam Concepcion as guest Patroller nitong nakaraang linggo sa ika-30 anniversary ng TV Patrol habang nasa bakasyon ang regular patroller na si Gretchen Fullido.

Dalawang taon na ang nakararaan (Mayo at Disyembre 2015 ) ng huling mapanood si Yam sa news program ng ABS-CBN at pawang positibo ang feedback sa kanya dahil bukod sa maganda sa screen ay maganda pa ang diction niya na super linaw.

Nag-post si Yam sa kanyang IG account, “After two years… I’ll be guesting again for star patrol tomorrow (Biyernes).” Kaya trending si Yam ay dahil maraming nag-abang din sa kanya dahil maganda ang rehistro niya sa screen. Base rin sa pagpapakilala sa kanya ni Kabayang Noli de Castro, “may inimbita po kaming celebrity patroller at minsan na niya tayong nabighani sa kanyang ngiti rito sa ‘Star Patrol’ at ngayon nagbabalik ang star ng ‘Ang Probinsyano’, Yam Concepcion, welcome back Yam!”

In fairness, maganda ang hirit ni Yam kay kabayan Noli, “thank you Kabayan, looking dashing tonight.”

Sina Seron, Media Congress sa Baguio na tinalakay ang paglaganap ng fake news at ang pelikulang Ang Panday na first directorial job Coco Martin ang ibinalita ni Yam para sa Star Patrol.

Maganda at klaro at ang diction ni Yam na importante para sa manonood at ito rin ang isa sa hinahanap para maging TV host.

Nagtapos ng Multi Media Arts si Yam sa DLSU College of St. Benilde at inamin niya noon sa amin na pangarap niyang maging TV host o mapasama sa isang news program.

Kaya naman noong maimbitahan ang dalaga ay natuwa siya dahil muli niyang ipakikita ang alam niya sa hosting bukod sa acting.

Anyway, mukhang malapit-lapit nang matsugi si Yam sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil magkakaroon ng gulo ang grupo nila kasama sina Coco bilang si Fernan/Aguila; tatay niyang si Lito Lapid as Pinuno at si Amang na ginagampanan naman ni Dante Rivero laban sa kampo ni Jhong Hilario na si Alakdan.

Ang tanong, kanino kakampi si Mark Lapid na may gusto kay Yam/Lena at galit kay Coco/Aguila/Fernan?

Kean, nalilinya
sa pagdidirehe
ng music video

NALILINYA ngayon si Kean Cipriano sa pagdidirehe ng music video bukod sa paggawa ng album kasama ang grupong Callalily dahil kamakailan ay siya ang nagdirehe ng music video ni Tony Labrusca na Tanging Ikaw kasama si Isabel Ortega na may mataas na views ngayon sa Youtube.

At ngayon ay si Kean na naman ang director ng music video ni Sam Milby kasama si Kylie Versoza para sa awitin niyang Tunay Na Pag-Ibig mula sa album na Sam:12.

Kahit abala sa pagsu-shoot ng music video si Kean ay may apat na pelikulang ginagawa sa ngayon na entry sa Metro Manila Film Festival 2017, Cinema One Originals entry, Star Cinema, at pelikula mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza kasama si Julia Montes.

Dream come true ni Kean na makatrabaho si direk Brillante kaya sobrang excited siya dahil matutupad na.

Samantala, isa si Kean sa grupo ng celebrities sa reality show na I Can See Your Voice na mapapanood na sa Setyembre 16, Sabado, 9:30 p.m..

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …