TINAMAAN ng isang taga-Cavite ang P6 milyon jackpot ng Lotto 6/42 nitong Sabado.
Ayon sa Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng residente ng Bacoor, Cavite, ang winning combination na 10-41-21-11-29-37.
Samantala, 15 PCSO Lotto 6/42 bettors ang nanalo rin ng P25,000 makaraan mahulaan ang limang numero, ayon pa sa ulat.