Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P10 minimum sa pasahe inihirit (Petrolyo muling tataas)

SIMULA Martes, 12 Setyembre, madaragdagan ng P1.30 ang presyo kada litro ng diesel, habang P0.45 sa kada litro ng gasolina.

Tataas din ng P0.90 ang presyo kada litro ng kerosene.

Dahil big time ang dagdag-presyo sa diesel, maghahain ng petisyon ang mga transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para itaas ang pasahe.

Ayon sa Department of Energy, hindi nila puwedeng pigilan ang pagtataas ng presyo ng petroleum products dahil “deregulated” o walang kontrol ang gobyerno sa presyohan ng langis.

Epekto ng hurricane “Harvey” na nagpasara ng oil refineries sa Texas, USA ang pagsipa ng presyo ng imported na pet-rolyo.
Hindi pa kasali sa kuwenta ang epekto ng pananalasa ngayon ng hurricane Irma.

Mula Enero nitong taon, aabot na sa kabuuang P3.40 ang itinaas sa presyo kada litro ng diesel, habang P3.64 ang kabuuang itinaas ng pres-yo ng gasolina.

Ayon kay Obet Martin, presidente ng Pasang Masda, hihirit silang gawing P10 ang minimum jeepney fare o ang pasahe para sa unang limang kilometro ng biyahe dahil sa pagtaas ng presyo ng diesel.

Madaragdagan ito ng P2 para sa mga susunod na kilometro.

Nasa P30 – P36 aniya ang diesel, madaragdagan pa ngayon nang mahigit piso ang presyo kada litro.

Samantala, isinusulong ng grupong Kapit ang fare adjustment formula kapag natuloy ang dagdag na P6 sa presyo ng petrolyo dahil sa bagong excise tax.

Hihilingin nila ang dagdag na P1.50 sa pasahe na uutay-utayin sa loob ng tatlong taon.

Habang ipepetisyon nila ang P2 dagdag sa pasahe kung papatawan din ng dagdag buwis pati ang motor oil at lubricants.

Ayon sa LTFRB, pag-aaralan nila lahat ng hirit ng dagdag pasahe pati ang kasalukuyang nakahaing petisyon sa kanilang tanggapan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …