Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kean, nalilinya sa pagdidirehe ng music video

NALILINYA ngayon si Kean Cipriano sa pagdidirehe ng music video bukod sa paggawa ng album kasama ang grupong Callalily dahil kamakailan ay siya ang nagdirehe ng music video ni Tony Labrusca na Tanging Ikaw kasama si Isabel Ortega na may mataas na views ngayon sa Youtube.

At ngayon ay si Kean na naman ang director ng music video ni Sam Milby kasama si Kylie Versoza para sa awitin niyang Tunay Na Pag-Ibig mula sa album na Sam:12. Kahit abala sa pagsu-shoot ng music video si Kean ay may apat na pelikulang ginagawa sa ngayon na entry sa Metro Manila Film Festival 2017, Cinema One Originals entry, Star Cinema, at pelikula mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza kasama si Julia Montes.

Dream come true ni Kean na makatrabaho si direk Brillante kaya sobrang excited siya dahil matutupad na.
Samantala, isa si Kean sa grupo ng celebrities sa reality show na I Can See Your Voice na mapapanood na sa Setyembre 16, Sabado, 9:30 p.m..

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …