HAHARAPIN mag-isa ni dating Rizal Commercial Banking Corp., (RCBC) branch manager Maia Deguito ang asuntong money laundering kaugnay ng US$81 milyong cyberheist sa Bangladesh central bank matapos maabsuwelto ang mga kasama niyang akusado.
Sa awa ng makapangyarihang manipulators, walong kaso lang naman ang hinaharap ni Deguito at ang balita natin ay hilahod siya ngayon sa paglalagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang himutok nga ni Ms. Deguito bakit ‘yung remittance firm na Philrem na pag-aari nina Michael & Salud Bautista, naabsuwelto sa asunto? Si Kim Wong na nagsauli ng US$4.6 milyon at P450 milyon, na dala raw ng gaming client na hindi niya alam na galing sa ilegal na pamamaraan, absuwelto rin sa asuntong money laundering gayong siya ang casino junket operator.
Samantala si Deguito na inutusan lang ng kanyang mga boss na sina RCBC president Lorenzo Tan at treasurer Raul Tan (kapwa wala na sa nasabing banko) ay siya ngayong nadidiin.
Sabi ni Deguito, ‘sobrang obvious’ ang pagkaka-absuwelto ng ‘malalaking tao’ sa sinasabing napakalaking kaso ng money laundering sa ating bansa.
Paki-explain, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com