Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, maging bampira na kaya sa pagbabalik-LLS

NOONG Thursday ay nakatsikahan namin si Angel Locsin! Muling nagbalik sa seryeng La Luna Sangre ang sikat na aktres bilang si Jacintha Magsaysay. 

Actually napakaraming tanong ang naglabasan sa social media simula ng lumabas ang isang teaser sa pagbabalik ni Angel. 

May nagsabing siya ay kakambal, nanay, tiyahin, anak, at kung ano-ano pa ni Lia!  Kahit kami, hindi rin namin alam ang kahahantungan ng kanyang karakter bilang si Jacintha Magsaysay sa serye. Totoo nga ang sabi ni Henry Quitain na we’re watching a fantaserye kaya lahat ay posible sa show. 

Interesting ang pagbabalik-serye ni Angel sa totoo lang. Pero ayon na rin sa kagustuhan ng karamihan, sana ay maging bampira naman siya sa serye para maiba naman dahil noong gumanap siya bilang si Lia ay isa siyang Lobo. 

Well, okey na sa amin kung maging bampira siya, manok, itik, kabayo at kung ano-ano pa man basta’t huwag lang maging palaka noh! 

During the presscon ay naging maboka naman si Angel sa pagsasabing huwag na magalit sa kanya ang ilang hindi pabor sa kanyang pagbabalik sa serye. Nakiusap nalang si Angel sa KathNiel na magtulungan na lang para sa lalo pang ikagaganda ng serye dahil hindi naman ito para sa kanya lang kundi para sa lahat na nagmamahal sa La Luna Sangre! Paaak!

REALITY BITES
ni Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …