Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boobsie Wonderland
Boobsie Wonderland

Boobsie Wonderland, masayang nakabalikan ang asawa

NAGDIWANG ng ika-41st birthday ang mahusay na Komedyanang si Boobsie Wonderland na ginanap noong September 6 sa Kamay Kainan sa West Avenue, Quezon City.

Ito ang unang pagkakataon na nakasama niya muli ang kanyang asawa sa tagal na panahon na nagdiwang siya ng kaarawan. (Maaalalang matagal din silang naghiwalay at ngayon ay muling nagkabalikan). Kaya naman maituturing niyang kompleto na siya kasama ang asawa, anak, at ibang kamag-anak.

“Siyempre masayang-masaya po ako kasi dumating talaga ‘yung mga ini-expect kong tao sa buhay ko.

“Unang-una ‘yung family ko, ‘yung mga close friend ko and ‘yung nga special guest kung tawagin, isang tawag lang, isang lambing lang andyan sila.

“And this is the first time na kasama ko ulit ‘yung husband ko na birthday ko for so many years, and nagpapasalamat ako sa suporta niya.

“And of course ‘yung dalawa naming anak, so kompleto kami ngayon.

“And siyempre hindi lang ‘yun , ang nakatutuwa pa ay hindi mo sila ini-expect na magbibigay ng kung ano man ha ha ha, hindi ini-expect? Ha ha ha,” natatawang pahayag ni Boobsie.

“Marami akong natanggap mula sa mga ninong at ninang ko and thankful ako sa kanila.”

At ang birthday wish ni Boobsie, “Simple lang ‘yung birthday wish ko, good health lang sa akin, sa asawa ko, sa mga anak ko, at sa pamilya ko.

“Sana magpatuloy pa ‘yung magandang career, sana lumawak pa ang aking kaalaman sa pagpapatawa at ‘yung pag-aartista ko na rin kasi hindi pa ako masyadong nabibigyan ng drama puro comedy pa sa ngayon,” pagtatapos ni Boobsie.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …