Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Pagpupugay kay Makoy

NGAYONG araw, Setyembre 11, ang kapanganakan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Idineklara ng Malacañang bilang special non-working holiday ang buong lalawigan ng Ilocos Norte bilang paggunita  sa ika-100 taon kaarawan ng dating pangulo.

Bilang pagkilala sa birth centennial ni Marcos, ipinalabas ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Proclamation No. 310 na nagbibi-gay daan para lubusang gunitain ng mga Ilokano ang mga naging kontribusyon ni Marcos sa Filipinas.

Bukod sa naging pangulo ng bansa, si Marcos ay naging senador, kongresista at higit sa lahat ay naging sundalo muna ng Filipinas. Kamakailan lamang, tuluyang kinatigan ng Korte Suprema na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa kabila ng pagtutol ng ilang grupong kalaban ng pamilya Marcos. Si Marcos ay ipinanganak noong 11 Setyembre 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte, at lumaki sa bayan ng Batac.  Ang kanyang mga magulang ay sina Mariano Marcos at Josefa Edralin. Nag-aral siya sa University of the Philippines at nagtapos ng abogasya.

Sa paggunita sa kanyang 100 taon kaarawan, ilang programa ang inilatag ng pama-halaang lalawigan ng Ilocos Norte gaya ng Literary at Art Festival, dalawang araw na aktibidad para ipakita ang mga nagawa ni Marcos at iba’t ibang mga patimpalak.

Sisimulan ang paggunita sa birth centennial ni Marcos sa pamamagitan ng Misang Bayan na gagawin sa Ilocos Norte, Tacloban, Metro Manila at iba pang lalawigan. 

Sa pamamagitan ng pagtugtog ng kampana na sabay-sabay, magiging hudyat ito ng pasi-mula ng nasabing paggunita.
Magkakaroon din ng forum sa Ilocos Norte na inaasahang dadaluhan nina Prof. Clarita Carlos ng UP, Prof. Antonio Contreras ng De La Salle University, former Minister of Budget Dr. Jaime C. Laya, Atty. Estelito Mendoza at iba pang mga lider-politiko ng bansa.

Inaasahang dadalo rin si Digong sa ika-100 kaarawan ni Marcos.

Halos lahat ng mga Ilokano, maliban na lang siguro kay Congressman Rudy Fariñas na nagpakulong sa “Ilocos 6” ay makikiisa sa pagdiriwang at paggunita sa ika-100 kaarawan ng dating pangulo.

Ano nga naman kasi ang mukhang ihaharap nitong si Fariñas sa mga Ilokano kung dadalo siya sa paggunita ng centennial na kapanganakan ni Marcos kung siya mismo ang nagpakulong at umapi sa mga inosenteng empleyado ng provincial capitol ng Ilocos Norte.

Magkaganoon man, nakasisiguro tayong masayang ipagdiriwang ng mga Ilokano ang kapanganakan ng kanilang bayaning si Ferdinand Edralin Marcos. Lahat ay makapagpupugay sa kinikilalang Apo Ferdie.

Ang inyong lingkod sa Sipat, ay kabilang sa nagbibigay pugay kay Makoy! 

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *