IBINUNYAG ni Sen. Antonio Trillanes II, na coded ang tattoo ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, bilang miyembro ng triad.
Ayon kay Trillanes, nangangailangan ito ng ‘validation’ kung papayag si Duterte.
Sa paraang ito aniya ay malilinis ng bise alkalde ang kanyang pangalan, ngunit kung siya ay tunay na kasapi ng tagong grupo ay tiyak na itatago ang nasabing tattoo. “Kung papayag si vice mayor, pakukunan natin ng larawan at ipasusuri ito para ma-decode ang secret digits sa tattoo,” wika ni Trillanes.
Ngunit para sa bise alkalde ng lungsod ng Davao, hindi niya papayagan ang mga hinihiling ni Trillanes.
“No way,” ang maikling tugon ni Duterte.
Maging ang bank accounts na binanggit ni Sen. Trillanes ay hindi kinompirma ng bise alkalde.
Kapwa tumangging lumagda ng waiver sina Duterte at bayaw niyang si Atty. Manases Carpio para mabuksan ang kanilang bank records.
(CYNTHIA MARTIN)
Panelo kay
Trillanes:
BAKLA KA BA?
KINUWESTIYON ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang “sexual preference” ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Ito ang buwelta ni Panelo makaraan hilingin ni Trillanes kay presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na ipakita ang kanyang tattoo sa Senate hearing kahapon.
“Trillanes is dedicated to his ignorance. He is a walking nonsense. He even wants to see the Vice Mayor’s tattoo. Is he gay?” Ani Panelo.
“Trillanes is the one making accusations, so the burden of proof is on him. He is just an epitome of falsehood. Nobody believes him. The more he attacks the President, the higher ratings come,” aniya. (ROSE NOVENARIO)