Sunday , December 22 2024

Nasa sa atin kung tayo ay maniniwala at susunod pa (Una sa tatlong bahagi)

SA ginawang pagbasura ng maka-Duterteng Commission on Appointments sa nominasyon ni Rafael “Ka Paeng” Mariano bilang kalihim ng Tanggapan ng Repormang Agraryo ay luminaw na walang agenda para sa reporma ang kasalukuyang administrasyon at hindi bukas sa pakikipag-alyansa sa ibang grupo mula sa tinatawag na political spectrum.

Mukhang naisahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaliwa at natsubibo niya ang mga progresibong grupo.

Luminaw rin na ang paglalagay sa gabinete ni Duterte sa aktibistang si Gina lopez at mga kaliweteng personahe tulad ni Mariano, Judy Raguiwalo at Lisa Maza ay pakitang-tao lamang at isang paraan upang hindi agad mabatikos ang kanyang administrasyon at nang mabigyan ng panahon na paghandaan ang tunay niyang plano para sa pamahalaan.

Ngayon na matatag na ang administrasyong Duterte ay hindi na nito kailangan pa ng pakitang-taong alyansa kaya hayun dali-dali at walang hirap na ibinasura ng CA ang nominasyon hindi lamang ni Mariano kundi pati na rin ni Lopez at Taguiwalo. Masuwerte na lamang at hindi na kailangan pang humarap ni Maza sa CA para sa kanyang posisyon bilang kalihim ng National anti-Poverty Commission dahil malamang ay maibabasura rin ang kanyang nominasyon. Bigla tuloy naalala ng Usaping Bayan ang nangyari sa anim na miyembro ng Democratic Alliance na nanalo sa eleksiyon noong 1946 subalit hindi pinaupo sa mababang kapulungan ng kongreso dahil sila ay miyembro ng lumang Partido Komunista ng Pilipinas.

Ang pagsipa sa kanila mula sa kongreso ang naging mitsa ng aklasang Huk.

“Change is coming,” iyan ang pangako ni Duterte pero malayo sa pagbabago ang kanyang ginagawa sa sistemang dominado ng tradisyonal na oligarkiya.

Bagkus ay lalo niyang pinalalakas ang oligarkismo sa pamamagitan ng dahan-dahang paghahatag ng kanyang agendang awtoritaryan, na kinabibilangan ng pagbabago ng 1987 Constitution tulad ng ipinanukala sa kongreso kamakailan.

Ang unang hakbang para maibalik ang awtoritaryanismo ay rehabilitasyon ng idolo ni Duterte na si Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng pagpayag niyang mailibing ito sa Libingan ng mga Bayani (LnB) matapos ang manaka-nakang protesta ng iilan.

Ang malabnaw na pagtutol ng taong bayan sa rehabilitasyon ng diktador na si Marcos at ang matagumpay niyang pagkakalibing sa LnB ang nagbigay ng “go signal” kay Duterte na isakatuparan ang kanyang proyekto para sa pagbabalik ng awtoritaryanismo. ‘Ika nga, nakapasa si Duterte sa tinatawag na “litmus test” matapos niyang matagumpay na maipalibing si Marcos sa LnB.

(May kasunod sa Miyerkoles)

***

Integrated Bar of the Philippines nagbabala sa patong-patong na impeachment complaint laban sa pinuno ng mga constitutional bodies. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN
ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *