Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, masayang kinakabahan sa pagsasama nila ni Arjo sa isang teleserye

GRABE ang paghahandang ginagawa ng ni Sylvia Sanchez sa kanyang bagong proyektong pagbibidahan sa Kapamilya Network.

Katulad ng nais ng mahusay na actress, bagong character na malayong- malayo sa kanyang nagawang role sa The Greatest Love ang gagampanan ni Ibyang (tawag sa kanya) sa bagong seryeng ayaw muna niyang ipabanggit ang titulo.

Ani Sylvia, ”Isang bagong character na naman ito at bagong paghahanda at isasapuso’t isasabuhay ulit. Ang role ko rito, nanay nina Arjo Atayde and Yves Flores. “Ibang klaseng ina naman ang gagampanan ko rito. Plus, makakasama ko si Arjo, kailangan na ang makita ng mga tao rito, iyong character na gagampanan namin hindi bilang si Arjo at Sylvia na tunay na mag-ina, sa totoong buhay.

“Dapat kumawala ako sa personal na relasyon ko kay Arjo at mas makita ng tao ‘yung role na ginagampanan ko sa bagong teleserye kaya ito ‘yung magiging challenge sa akin,” mahabang paliwanag ni Sylvia.

Dream come true nga para kay Ms Sylvia ang proyektong ito dahil kasama niya ang kanyang anak na si Arjo. “Sa totoo lang, ni sa panaginip ay hindi ko inaasahan na mangyayari ito.

“Hindi ko naman pinlano na pag-artistahin ang mga anak ko. Kaya heto, ngayong magsasama kami ni Arjo, sobrang masaya ako. Kaba at saya ang nararamdaman ko.”

TEEN SINGER
RAYANTHA LEI,
TATANGGAP
NG AWARD
SA JAPAN

MASUWERT ang teen singer na si Rayantha Lei dahil sunod- sunod ang proyekto nito bago magtungo ng Japan para tanggapin ang kanyang award at para mag-shows sa iba’t ibang panig ng tinaguring Land of The Rising Sun.

Madaragdag sa rami ng naging achievements ni Rayantha ang kanyang bagong award na tatanggapin sa Japan, ang Young International Artist 2017 sa 3rd World Excellence Japan Awards kasama pa ang ibang mga Pinoy achiever.

At pagkabalik nito sa bansa ay magiging busy naman siya sa promotion ng kanyang kanta under Ivory Records na available na at puwedeng i-download sa Digital Stores Worldwide, ang carrier single na Nahuhulog.

Happy nga si Rayantha dahil very supportive ang kanyang parents sa kanyang showbiz career lalo na ang kanyang Mommy Lanie na laging kasama sa lahat ng showbiz commitments.

“Thankful po ako kasi mayroon akong supportive parents specially kay Mommy na laging nariyan para samahan ako sa mga show ko.

“And happy ako kasi available na ‘yung single ko na ‘Nahuhulog’ at puwede nang i-download.”

CHARITY DIVA
TOKEN LIZARES,
GAGAWA NG JINGLE
PARA SA PRODUKTO
NI JOEL CRUZ

MAY ginagawang jingle ang Charity Diva na si Token Lizares para sa Aficionado Germany Perfume ni Lord of Scents Joel Cruz.

Ani Token, ”Napansin ko kasi na walang jingle ang Aficionado kaya naman nagka-idea ako na gawan ito ng jingle.

“Bale regalo ko na ‘yun sa mabait kong kaibigan na si Joel Cruz na sobrang generous at may puso sa mga taong nangangailangan ng tulong.

“Sana mas dumami pa ang katulad ni Joel na mabait at matulungin katulad ng ginawa niyang concert, ang ‘Awit sa Marawi’.

“Pero naka’y Joel na ‘yun kung gusto niyang gamitin ‘yung jingle na gagawin ko.”

Bukod nga sa jingle na ginagawa ni Ms. Token para sa Aficionado, excited na rin ito sa nalalapit na promo ng kanyang ikatatlong album ang Token Lizares, Till The World Has Gone na idi-distribute ng Ivory Music.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …