Friday , November 15 2024
Peping Cojuangco Philippine Olympic Committee POC money peso

Peping Cojuangco inugat na sa POC Tama na! Baba na!

SADYANG lugmok sa kangkungan mga ‘igan ang napakasamang performance ng bansa sa Southeast Asian Games (SEAG) na ginanap sa Kuala Lumpur Malaysia kamakailan lang.

“The 24 gold was the worst ever performance by the Philippines in the SEA Games, worse than 2001 and 1998 SEA Games both held in Malaysia. I will talk to the different National Sports Association (NSA) leaders and ask them to strengthen their sports programs. Avoid another debacle in 2019 the Philippines is hosting,” pagdidiing-paliwanag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Sa kabila ng nakadedesmayang performance ng mga atletang Pinoy mga ‘igan, nagawa pa rin ipagmalaki ni Chairman Ramirez ang ating national athletes na nakipagtagisan ng lakas sa nakaraang 29th SEAG.
“I really salute the way you play, the way you fought,” dagdag ni Ramirez. Ano’t pababa nga naman mga ‘igan ang naging performance ng ating mga atleta? Sino ba ang dapat pukulin sa pangyayaring ito sa larangan ng isports ng bansa?

Aba’y, Philippine Olympic Committee (POC) President Jose ‘Peping’ Cojuangco Jr, sus ginoo kayo, huwag patulog-tulog sa pansitan! Kaawa-awa sa kamay n’yo ang pangangasiwa sa isports ng bansa. Sa totoo lang mga ‘igan, napakatagal nang panahon na hinawakan ng ‘mama’ ang POC, ngunit sa kasamaang-palad, wala ‘igan… walang magandang nangyayari sa isports, bagkus pa-worst, ‘ika nga ni Ramirez, na tama naman mga ‘igan!

Aba’y Mang Peping, kung wala kang magandang plano at makabagong sistema sa inyong pamamalakad sa POC, aba’y tama na, baba na! Inugat na kayo’t lahat, wala pa rin?!

Baka dapat na kayong magpahinga at bigyan ng pagkakataon ang iba na may konkretong konsepto sa pagpapalago ng isports ng bansa. Ganoon din naman ang National Sports Association (NSA) leaders or NSA Presidents.

Sus uugod-ugod na’y ayaw pa rin bitawan ang asosasyon! Lolo/Lola hindi habang panahon kayo riyan! Ihabilin na po ninyo sa mga nakababata ang mangangalaga sa mga atleta, upang mabigyan ng tama/wasto at makabagong kaalaman ang mga atletang Pinoy at masubaybayan nang tama.

Mahirap mang tanggapin, ngunit may mga umuusbong na mas magagaling na sa inyo! Alalahanin ninyo ang Filipinas, huwag ang pansariling interes.

Ayon kay Ramirez, hindi bibigyan ng PSC ng financial-support ang NSAs na walang konkretong “Sports Program,” lalong-lalo ang mga nabokya sa SEAG. “They have to show us the proof they have effective, viable, comprehensive and long sustainable sports programs before PSC give them money. We first know if they have worthy sports programs,” paliwanag ni Ramirez.

Sus matagal na ‘yang “sports program” na ‘yan, na very basic sa sports associations. Ang dapat ay sports leaders na may sistematikong pamamaraan kung paano mapapangalagaan ang kani-kanilang mga atleta! Patalsikin na ang mga walang silbi at walang maiaambag sa isports upang magbigay-daan sa karapatdapat na sport leaders ng bansa.

PULIS
SA LAWTON
INUTIL

PALALA nang palala, mga ‘igan, ang sitwasyon ngayon sa Lawton, partikular sa Liwasang Bonifacio o Plaza Lawton na dinumog na ng mga bus, jeep at UV Express Service at walang takot na magtayo ng illegal terminal.

Ayon sa aking pipit-na-malupit, nasa pangangalaga ang mga nasabing illegal terminal sa Lawton sa ilang tiwaling pulis ng Maynila. Sadya nga bang inutil ang precinct commander sa Lawton? Ano’t hindi matuldukan ang katarantaduhan sa Plaza Lawton?

Nawa’y mabigyang pansin ang mga tiwaling-pulis na nangangalaga sa illegal terminal sa Lawton.

Matagal nang problema ang “super-traffic” sa Lawton mga ‘igan, likha ng kaliwa’t kanang parada ng mga bus na dapat ay may sari-sarili itong terminal.

Idagdag mo pa ang illegal-terminal ng jeep sa harap pa man din ng Manila City Hall. Aba’y bulag ba ang ating pulis sa mga ganitong sitwasyon? Ano’t nakatayo pa kayo sa harapan ng mga illegal terminal na ito?

Anong meron…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *