Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, pagkakakitaan ang pagiging Bisaya

TSUGI na ang karakter ni Sylvia Sanchez bilang Dory sa teleseryeng La Luna Sangre nitong Lunes dahil nagtamo siya ng 3rd degree burn dahil sumabog ang tangke ng gas sa bahay nila.

Gustong ipapatay ang buong pamilya ni Miyo (Kathryn Bernardo) ni Senator Paglinauan (Freddie Webb) dahil alam niyang kalaban ang isa sa security niya.

Naunang nagduda kay Miyo ang Supremo (Richard Gutierrez) dahil sa mga ikinikilos nito bagay na ikinuwento niya kay Senator Paglinauan na nagkaroon din ng sariling imbestigasyon hanggang sa may mga lakad siyang palpak dahil sa kagagawang ng security niya. Going back to Sylvia ay dinalaw namin siya sa shooting niya sa Hardin ng Pag-Asa, Mandaluyong City nitong Linggo ng gabi para sa indie film na ginagawa niya na may titulong ‘Nay produced ng Cinema One Originals na idinidirehe naman ni Kip Oebanda.

Hindi kami nakatuloy sa mismong bahay na kinunan ang eksenang naghahanap ng mabibiktima si Ibyang bilang aswang dahil delikadong umakyat sa apat na palapag ng bahay at nasa roof top pa at kasama ni Ibyang si Enchong Dee.

Maagang nagpa-pack up ang aktres dahil maaga pa ang call time niya kinabukasan para sa La Luna Sangre dahil kukunan na nga ang death scene niya sa isang ospital.

Sinadyang patayin na rin siguro ang karakter ni Ibyang sa LLS dahil abala na siya sa taping ng bago niyang teleseryeng kasama ang anak na si Arjo Atayde.

Samantala, boses pala ng aktres ang gagamitin sa bagong Animation nito na ikinagulat niya.

“Sabi kasi gusto nila ang boses ko na Visayan accent, natawa ako sa sarili ko, kasi ‘di ba, Bisayang-Bisaya ako magsalita at natatawa nga ang lahat sa akin.

“Hindi ko inakala na ang pagiging Bisaya ko ay heto pagkakakitaan ko pala, ha, ha, ha,” sabi pa ng aktres.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …