Monday , December 23 2024

Ritz, type ang malinis na lalaking tulad ni Paulo

MAIPALALABAS na rin sa wakas ang seryeng The Promise of Forever sa Lunes, Setyembre 11 sa Kapamilya Gold kaya naman ang gaganda na ng mga ngiti nina Paulo Avelino, Ejay Falcon, at Ritz Azul dahil the long wait is over.

Ang unang tanong sa cast ay when is the promise forever.

“’Pag nagpakasal ka kasi ‘yung oath mo hindi lang sa ‘yo kundi saksi rin ang Diyos for sickness and health and for better or worst. Habambuhay mo ng ibinibigay ‘yung sarili mo sa isang tao para damayan ka at samahan ka habambuhay,” ito ang paniniwala ni Paulo. Halos pareho rin ang sagot ni Ejay kay Paulo, “kapag nagpakasal ka, magiging isa na kayo kaya ibibigay mo ‘yung buhay mo sa asawa mo na makakasama mo habambuhay.”

“Tingin ko naman po una, pinaghihirapan ‘yan. Pinagtatrabahuan ninyong parehas sakripisyo ‘yung pagse-sealed ng love ninyong dalawa, tingin ko magiging forever talaga kasi pinagsakripisyuhan at sobrang halaga na hindi na ninyo mabibitawan ang isa’t isa,” punto naman ni Ritz.

Binalikan ng tanong ang aktres kung bakit may annulment, “kaya nga po kailangan ng sealed of love and sacrifices sa isa’t isa at tingin ko rin ‘yung trust,” sagot ng dalaga.

Challenging ang papel ni Paulo dahil apat na iba-ibang panahon ang karakter niya (Lorenzo, Nicolas, Emil, at Lawrence) at rito as present time ay nasa 145 years old na siya base sa kandilang nakalagay sa cake.

“In-adopt mo lahat ng knowledge bilang doktor ako rito, marami na ring natutuhan sa medisina na libre kong ipinamimigay sa mga tao,” kuwento ng aktor tungkol sa isang karakter niya sa The Promise of Forever.

At kaya napadpad ang buong cast sa mga bansang Prague, Czech Republic, Bruges, Belgium, Amsterdam, Netherlands, at Krakow, Poland, “may panganib kasi o mga taong naghahanap sa karakter ko na si Lorenzo para mahanap nila kung ano ‘yung susi sa pagiging immortal niya at si Lorenzo ay napilitang magpalit ng katauhan at lumipat-lipat ng bansa para mawala (iligaw) ‘yung mga naghahanap sa kanya.

“Itong mga bansang ito ang mga paborito niya kaya may properties na siya rito, may mga foundation siya sa mga lugar na ito na depende sa katauhan or identity na pinapasok niya o pinagpapanggapan niya,” paliwanag ni Paulo.

Bakit maraming orasang ipinakikita sa programa, “actual na orasan po ‘yan na kinunan sa mga bansang pinuntahan namin, kumbaga may kinalaman din kay Lorenzo na hindi nauubusan ng oras,” sabi pa ni Pau.

Samantala, tinanong naman si Ritz kung anong klase ang magugustuhan niya, ang lalaking mukhang mabait pero mabagsik o mukhang kanto pero sasambahin ka talaga.

“Ako para sa akin, ‘yung mamahalin akong tunay, ‘yung genuine siya na hindi niya ako pababayaan,” say ni Ritz sabay hirit ni Paulo, “ako ‘yun!”

Kaya ang sunod na tanong sa aktres ay kung sino ang mas type niya kina Paulo at Ejay.

“Ang hirap kasi magkaiba sila. Si Paulo tahimik, si Ejay madaldal tapos mas close siya sa sarili niya. Ako mas nalalaman ko ‘yung sarili niya (Paulo), mas close siya (Paulo) sa akin. Parang contrast kasi sila. Personally, mas gusto ko ‘yung misteryoso type pero gusto ko rin ‘yung sinasabi lahat sa akin,” pahayag ng dalaga na hirap na hirap dahil hindi pa niya naranasang magkaroon ng boyfriend simula noong ipanganak siya.

Pero pagdating naman sa hitsura, “sa physical mas gusto ko ‘yung clean, allergic ako sa ano (sabay tingin kay Ejay),” diretsong sabi ni Ritz.

Katwiran naman ni Ejay, “ganito lang ako dahil sa ‘Ang Probinsyano’ (member ng SAF) kasi kapag SAF, bawal mag-shave tapos nakakulong pa kami roon.”

“Kaya nga kay Paulo ako, eh at toned lang ang katawan,” tumawang sagot ng dalaga.

“Kaya sa madaling salita, si Pau,” sabi ni Ejay.

Marami rin ang nakapansing mas close nga talaga sina Paulo at Ritz base na rin sa body language nila pero malabong magkaligawan sa ngayon ang dalawa dahil may kasintahan ngayon ang aktor at mukhang iyon ang Promise of Forever nilang dalawa.

Natanong si Paulo kung alin sa apat na karakter ang nagustuhan niya, “siguro gusto ko ‘yung modern na, si Lawrence or Nicolas kasi medyo close ‘yung time nila. Ang sarap mabuhay na ang dami mo ng alam at experience or pinag-aralan or knowledge in general. Parang gusto kong bumalik sa panahong ganito na ang utak ko,” kuwento ng aktor.

Anyway, malalaman ang pagkakaiba ng mga karakter ni Paulo at kung ano ang nagtulak kay Ritz para maging interesado siya sa aktor at kung ano naman ang mangyayari kay Ejay sa pagsunod niya sa babaeng mahal niya simula bata sa ibang bansa.

Ang The Promise of Forever ay mula sa Dreamscape Entertainment at idinirehe naman nina Darnell Villaflor at Hannah Espia.

SYLVIA,
PAGKAKAKITAAN
ANG PAGIGING
BISAYA

TSUGI na ang karakter ni Sylvia Sanchez bilang Dory sa teleseryeng La Luna Sangre nitong Lunes dahil nagtamo siya ng 3rd degree burn dahil sumabog ang tangke ng gas sa bahay nila.

Gustong ipapatay ang buong pamilya ni Miyo (Kathryn Bernardo) ni Senator Paglinauan (Freddie Webb) dahil alam niyang kalaban ang isa sa security niya.

Naunang nagduda kay Miyo ang Supremo (Richard Gutierrez) dahil sa mga ikinikilos nito bagay na ikinuwento niya kay Senator Paglinauan na nagkaroon din ng sariling imbestigasyon hanggang sa may mga lakad siyang palpak dahil sa kagagawang ng security niya.

Going back to Sylvia ay dinalaw namin siya sa shooting niya sa Hardin ng Pag-Asa, Mandaluyong City nitong Linggo ng gabi para sa indie film na ginagawa niya na may titulong ‘Nay produced ng Cinema One Originals na idinidirehe naman ni Kip Oebanda.

Hindi kami nakatuloy sa mismong bahay na kinunan ang eksenang naghahanap ng mabibiktima si Ibyang bilang aswang dahil delikadong umakyat sa apat na palapag ng bahay at nasa roof top pa at kasama ni Ibyang si Enchong Dee.

Maagang nagpa-pack up ang aktres dahil maaga pa ang call time niya kinabukasan para sa La Luna Sangre dahil kukunan na nga ang death scene niya sa isang ospital.

Sinadyang patayin na rin siguro ang karakter ni Ibyang sa LLS dahil abala na siya sa taping ng bago niyang teleseryeng kasama ang anak na si Arjo Atayde.

Samantala, boses pala ng aktres ang gagamitin sa bagong Animation nito na ikinagulat niya.

“Sabi kasi gusto nila ang boses ko na Visayan accent, natawa ako sa sarili ko, kasi ‘di ba, Bisayang-Bisaya ako magsalita at natatawa nga ang lahat sa akin.

“Hindi ko inakala na ang pagiging Bisaya ko ay heto pagkakakitaan ko pala, ha, ha, ha,” sabi pa ng aktres.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *