GOOD pm Señor,
Pa-intrprt ng dreams ko, Señor. Lgi s drim q isng tao, may age na cya. Bsta s drim q kpag ngqqta kmi pntag aq. Hndi q alam qng ano relation nmin. S drim ko white lgi suot nya. Mnsan, s 1 room kmi, prang ofis, mgkhrap kmi sa table. Mnsan walking kmi sa garden tapos bayside, talking to each other. Ganon lang, tas ggcng n q. Mnsan na-drim q, lgi cya nsa icp q, tas b4 mg-sleep cya n ns icp ko. Tas na-drim q, ksma q cya sa house. Gift dw nya. Pag gus2 q daw car, pd daw. Last nyt drim ko, ayaw nya q paalisin. Sbi nya, d2 k n lng, wag kn pumasok, aq n bhla s u. Sbi q rw d pd, dmi work s ofis. Tas bgla cya nwla. Pls ntrprt my drim. Thx Señor. Call me Rica.
To Rica,
Ang panaginip ukol sa kulay puti ay nagre-represent ng purity, perfection, peace, innocence, dignity, cleanliness, awareness, at new beginnings.
Posibleng makaranas ng reawakening o magkaroon ng bagong outlook sa buhay. Alternatively, ang kulay na puti ay nagsasaad din ng ukol sa clean at blank slate. O kaya naman, may kaugnayan sa pagtatakip o cover-up. Sa Eastern cultures, ang puti ay may kaugnayan sa kamatayan at pagluluksa.
Ang mesa naman ay nagpapakita ng hinggil sa social unity and family connections. Maaaring senyales ito nang nagbabadyang ‘di pagka-kaunawaan sa inyong pamilya o ng tampuhan.
Sa kabilang banda, maaari rin namang may kaugnayan ito sa panlilinlang sa mga tao sa iyong paligid. Ito ay posible rin namang may kaugnayan din sa sense of insecurity.
Ang panaginip na naglalakad, kung ikaw ay naglalakad nang maayos, ito ay nagsasaad na ikaw ay mabagal na naglalakbay sa buhay subalit steady naman ang pagsulong tungo sa iyong mit-hiin o mga pangarap. Ito rin ay nagpapakita na ikaw ay sumusulong sa iyong buhay sa pamamaraang naroon ang iyong kompiyansa, ngunit dapat ding maging mapagmatyag at ikonsidera ang iyong landas na tinatahak at patutunguhan.
Kung nahihirapan ka naman sa paglalakad, nagpapahayag ito ng pag-aalinlangan sa pag-usad hinggil sa ilang sitwasyon bunsod ng mga balakid at sagwil na kakaharapin o kasalukuyang hinaharap na sa iyong buhay.
Kapag nanaginip ng bahay, ito ay nagsasaad ng iyong sarili at ng iyong kaluluwa. Ang mga specific na bahagi o kuwarto ng bahay ay nagpapa-kita ng specific aspect of your psyche. Sa pangkalahatan, ang attic ay nagre-represent ng iyong talino, ang basement naman ay nagre-represent ng unconscious side mo, at etc.
Kung ang bahay ay walang laman, ito ay nagpapakita ng feelings of insecurity, kung ito naman ay nagbabago, may kaugnayan ito sa mga personal na pagbabagong iyong pinagdaraanan o pagdaraanan pa lamang, pati na ng pagbabago ng iyong belief system.
Kung ikaw naman ay nakulong sa bahay, ito ay may kaugnayan sa rejection at insecurity. Pakiwari mo, ikaw ay napag-iiwanan o iniwanan ng iba. Kung lumang bahay ang napanaginipan mo, ito ay nagsasaad ng iyong old beliefs, attitudes at kung paano ka rati mag-isip o makadama. Alternatively, ang lumang bahay ay maaaring simbolo ng pangangailangan mong i-update ang iyong mode of thinking.
Sakali namang nakita sa panaginip na nasira o may damage ang bahay, indikasyon ito ng iyong pag-aalala sa kalagayan at kondisyon ng inyong tahanan sa estadong ikaw ay gising o sa totoong sitwasyon.
Señor H.