Thursday , December 26 2024

Ex-TIEZA chief Mark Lapid hinahabol sa kuwestiyonableng pagbebenta ng Paskuhan Village

HINDI na pala pag-aari ng gobyero ang Paskuhan Village na matatagpuan sa Dolores, San Fernando, Pampanga.

Naibenta na pala ito ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (Tieza) na dating pinamumunuan ni Mark Lapid sa Premier Central Incorporated.

Ang Paskuhan Village ay isang theme park sa Pampanga na ang makikita ay iba’t ibang parol, Christmas tree, pailaw at iba pang display na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Kapaskohan sa Filipinas. Batay ito sa kultura at tradisyon nang mahabang pagdiriwang ng Pasko sa bansa. Kung tutuusin umano, ang Paskuhan Village ay bahagi ng cultural promotion and preservation ng ating bansa.

Pero hindi naging popular ang pagtanggap ng merkado sa Paskuhan Village kaya mas maraming panahon na wala itong tao.

Hindi natin alam kung paano pinagsikapan ng TIEZA na i-market ang Paskuhan Village at iba pang kagayang pag-aari ng gobyerno para malugi ito hanggang maisipan nilang ibenta sa pribadong kompanya.

Wattafak!?

Ayon mismo kay Lapid naibenta nila ito sa SMDC sa halagang P939 milyones bilang bahagi ng asset privatization thrust.

Isa ang Paskuhan Village sa 13 government-owned properties sa ilalim ng Tieza na matagal nang planong i-privatize. Kabilang umano ito sa Tier 1 ng mga non-revenue generating assets gaya ng Playa Hotel sa La Union, ang Matabungkay at Talisay sa Batangas.

Dati itong pag-aari ng pamilya Lazatin na ipinagbili sa pamahalaan noong 1989.

Sa pagdinig sa Kamara kamakalawa, dumalo si Lapid at pinanindigan niyang ang pagbebenta sa nasabing ari-arian ay pabor na pabor sa gobyerno at iyon na raw ang pinakamahusay na option na inirekomenda ng mga sulsultants ‘este consultants niya.

Ngunit kinuwestiyon ni Cebu Third District Representative Gwendolyn Garcia ang pagbebenta , base sa probisyon ng “right of first refusal” sa ilalim ng Republic Act 9593.

Sabi ni Lapid, majority decision umano ng board ang pagbebenta sa nasabing ari-arian ng gobyerno.

“I did air my sentiments as coming from Pampanga during our ‘off the record session’ but it was a majority decision.”

Tsk tsk tsk…

Ang tanong ngayon, mayroon pa bang magagawa ang gobyerno sakaling ‘habulin’ ang pagbebenta ng nasabing ari-arian?!

Isa pang tanong, kaninong kaban napunta ang pinagbilhan ng Paskuhan Village? Sa lalawigan ba ng Pampanga o sa national government? May naambunan bang bulsa ng iilan?! Aaksiyonan ba ito ng Solicitor General?!

Ilan lang po sa mga katanungan ‘yan na sana’y masagot nang tama ng mga kinauukulan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *