KAILANGAN daw ng Intelligent transport System (ITS) ng ating bansa kaya lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang bansang Filipinas sa pamamagitan ni Transportation Secretary Arthur Tugade at ang bansang Singapore sa pamamagitan ni CEO Kong Wy Mun ng Singapore Cooperation Enterprise, para magtulungan umano sa pagreresolba ng talamak na problema sa trapiko.
Ang problema natin sa nasabing lagdaan hindi naman klaro kung paano tatrabahuin ng ITS ang pagpapaluwag ng trapiko.
Ano ba ‘yung ITS?
Baka kamukat-mukat ng sambayanan, ‘yung ‘intelligent’ na ‘yan ay dagdag ‘intelihensiya’ lang pala?!
Baka masyadong na-overwhelm si Secretary Tugade sa napakalawak na trabaho sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) kaya biglang naturete at nag-concentrate na lang sa press release at pagpapa-interview.
Aba Sir, hindi ka spokesperson ng DOTr, Secretary ka po. Hindi po kailangan mag-press release nang mag-press release para lang maipakita sa tao na nagtatrabaho kayo.
Mararamdaman lang po ng tao na nagtatrabaho kayo kapag kahit paano ay gumagalaw at nagiging realidad ang mga press release ninyo.
Baka naman panay ang chopper ninyo Sir, from Subic to Metro Manila and vice versa kaya hindi ninyo ramdam ang prehuwisyong traffic?!
Segurado ba kayong nakaapak pa kayo sa lupa, Secretary Tugade?!
E parang sumasalipawpaw na rin ang ‘brain’ ninyo, Sir?!
E sabi nga ng mga naririnig nating feedback, mabilis daw kayo sa dakdak, bida sa press release.
Pero super kupad sa aksiyon.
Totoo ba ‘yan, Secretary Tugade?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com