Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charice, pinalitan na bilang endorser ng pabango ni Joel Cruz

PUMIRMA ng kontrata kasabay ang pictorial ni Vice Ganda bilang image model ng Aficionado Germany perfume at ang launching ay magaganap sa September 29 o 30.

Five years ago pa gustong maging endorser ni Joel Cruz si Vice Ganda, ngunit ‘di magkatuluyan dahil sa sobrang busy at kaka-renew lang kay Charice noon.

Magkumpare (o magkumare) sina Cruz at Vice Ganda sa anak ni Ogie Diaz.

Noon pa man ay suportado ng Aficionado ang sold out concerts ni Vice sa Araneta mula sa production nina Joed Serrano; Robbie Tarozza, at Viva.

At noong mag-expand si Joel internationally ay isa si Vice sa napisil na maging edorser para sa mga OFW dahil na rin sa lakas nito sa ating mga kababayan na nagtatrabaho sa abroad. Na-line-up din si Teejay Marquez na brand ambassador para sa Indonesia at si Nicky Hilton para sa US & Canada markets.

Hands on sa pagpili at pag-aprub ng pabango si Vice mula sa scents ng EDT at cologne, packaging ng bote, at plastic botlles, label at box. Pati sa idea ng tagline ng campaign ay involved si Vice at ito ay ukol sa love & beauty.

May mga nang-iintriga nga na si Vice ang kapalit ni Charice na natsugi sa Aficionado.

PAKIUSAP NI PAULO:
‘WAG IDAMAY SI AKI

NAKIKIUSAP ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino na ’wag isama sa usapin nila ni LJ Reyes ang anak na si Aki. Wala kasing kamala’y- malay ang bata na nadadawit sa problema nila ng aktres.

Anito, hayaan na lang na maging pribado ang pamumuhay ng bata dahil wala pa naman itong kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa kanyang paligid, lalo na sa kanila ni LJ. Ibalato na nga lang sa kanila ni LJ ‘yung para sa bata.

Tsika nito, ”Actually kasi ngayon talaga hindi ko alam. Kasi, pangit namang pinag-uusapan ‘yung ginagawa natin sa publiko, ‘yung buhay ng inosenteng bata na walang kinalaman sa mga nangyayari sa trabaho natin.

KLINTON, PROUD
NA NAKASAMA
SINA MICHAEL,
MARION AT MARLO

ISANG malaking karangalan ng member ng PPop group na si Klinton Start na makasama sa matagumpay na konsiyerto nina Marion Aunor, Michael Pangilinan, at Marlo Mortel, ang Musicalli 2 M2M2M last August 30.

“Sobrang nakaka-proud po na makasama sa concert sina Marion, Michael, at Marlo. Rati dream ko lang na makasama sila.

“”Kahit nga hindi ako ganoon kagaling kumanta dahil mas forte ko talaga ang sumayaw, pero happy ako na nakapag-perform.

“Gusto ko ring mag-thank you sa voice coach ko na si Coach Zen Rodriguez dahil nandiyan siya para i-guide ako sa mga song na kinakanta ko ‘pag may show.

“Sana makasama ko sila ulit sa mga show kasi nag-enjoy ako nang husto na makasama sila sa show dahil mababait sila at mas na-eengganyo akong mas pagbutihan ang pagkanta ko at pagpe-perform dahil nakita ko sila kung gaano kagaling.

 

MATABIL
John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …