Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Abusadong pulis ang pumalit sa mga kriminal

Human rights are not only violated by terrorism, repression or assassination, but also by unfair economic structures that creates huge inequalities.

— Pope Francis

PASAKALYE:

Sa kabila ng hindi pagkakasundo kay Pangulong Rodrigo “Digong: Duterte sa pamamaraan ng digmaan kontra krimen ng pamahalaan, inulit ng Commission on Human Rights (CHR) ang konklusyon nitong hindi state-sponsored ang sinasabing mga extrajudicial killing na nagaganap simula ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Sa Kapihan sa Manila Hotel forum, pinunto ni CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana na si Pangulong Duterte mismo ang nagpasikat sa komisyon kung kaya mas marami ngayon ang naliwanagan na mayroon silang mga karapatan laban sa pang-aabuso.

Idiniin ni Gana: “There is no official policy ordering the Philippine National Police to kill suspected drug pushers and users. There is no such finding that we can conclude that way. But what we can say is that the killings are still continuing and in an apparent vigilante manner (by) unknown assailants, so this is a police matter and they should be attending to this right away.”

Idinagdag niya, para sabihing ang mga nasawi sa giyera kontra droga ay state-sponsored, kailangan mayroong written policy ukol dito.

Sa pag-aming walang polisiya kaugnay nito, ikinatuwiran na ang mga pahayag ng punong ehekutibo para idepensa ang kanyang ‘war on drugs’ ay hindi patunay na ang mga patayan ay ‘state-sponsored.’

Aniya: “Honestly… You see I’m a lawyer and you have to show there is a direct causation to what happened. If there’s a policeman involved (in an extrajudicial killing), can you say Duterte ordered that, that (the policeman killed) because of what Duterte said? A lot of motivations come in.”

Bilang konklusyon, naniniwala si GANA na ang mga pulis na nagsasagawa umano ng mga EJK ay malamang mga ‘rogue officer’ na nais pagtakpan ang kanilang masasamang aktibidad sa halip na sumunod sa kautusan sa kanila.

SIMULA nang manungkulan si dating Davao City mayor Rodrigo Duterte bilang Pangulo ng Republika, inuna niyang linisin ang masasamang elemento sa lansangan, partikular ang mga kriminal at mga durugistang bumibiktima sa mga inosenteng mamamayan.

Dito rin nagsimula ang kampanya ng pulisya laban sa mga ilegilista, lalo yaong involved sa kalakalan ng ilegal na droga. Dangan nga lang ay mukhang nagresulta sa pang-aabuso ng ilang mga pulis na para bang nabigyan sila ng kapangyarihang pumatay nang pumatay kahit hindi pa napapatunayang sangkot nga sa droga ang isang tao o indibiduwal na napalista sa sinasabing narco-list ni Pangulong Digong.

Sa ganitong mga pangyayari ay dapat malaman ng administrasyong Duterte at maging ang punong ehekutibo na unti-unting bumabalik ang pangamba ng publiko dahil kahit nabawasan ang mga kriminal na gumagala sa lansangan ay napalitan naman sila ng mga abusadong pulis.

Opinyon lang po…

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *