Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

A few good men…

ISA pang dapat bigyan ng pagsaludo sa hanay ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ay si Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno…

Matapos ang turn-over ceremony nina outgoing Commissioner Nicanor Faeldon at incoming Commissioner Isidro Lapeña, naghain ng kanyang courtesy resignation si Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno.

‘Yan ay para magbigay-daan kay bagong Commissioner Sid Lapeña na malayang makapamili ng mga taong gusto niyang makatrabaho sa Customs.

Kaya lalo tayong bumilib kay DepComm. Nepomuceno.

Ibang klase ang kanyang propesyonalismo, integridad at higit sa lahat delicadeza — kaya naman galit siya sa ‘tara.’

Tatlong importanteng bagay na dapat taglayin ng isang government official.

Nakapanghihinayang nga lang na siya ay nag-resign.

Ganyan talaga kapag hindi matakaw sa kapangyarihan at lalong hindi sakim sa makulay na salitang, ‘juicy’ position kasi nga ayaw niya ng ‘tara.’

Sabi nga, nagserbisyo na siya nang tama, nasa kamay na ng top honchos kung pananatilihin pa ang kanyang serbisyo.

Here’s a guy who hails from the generation of a few good men… pero mas piniling maging low profile, walang hangot at walang yabang, basta trabaho lang.

Anyway, thank you and good luck DepComm. Ariel Nepomuceno!


 

MABILIS SA DAKDAK
BIDA SA PRESS RELEASE,
MAKUPAD SA AKSIYON



KAILANGAN
daw ng Intelligent transport System (ITS) ng ating bansa kaya lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang bansang Filipinas sa pamamagitan ni Transportation Secretary Arthur Tugade at ang bansang Singapore sa pamamagitan ni CEO Kong Wy Mun ng Singapore Cooperation Enterprise, para magtulungan umano sa pagreresolba ng talamak na problema sa trapiko.

Ang problema natin sa nasabing lagdaan hindi naman klaro kung paano tatrabahuin ng ITS ang pagpapaluwag ng trapiko.

Ano ba ‘yung ITS?

Baka kamukat-mukat ng sambayanan, ‘yung ‘intelligent’ na ‘yan ay dagdag ‘intelihensiya’ lang pala?!

Baka masyadong na-overwhelm si Secretary Tugade sa napakalawak na trabaho sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) kaya biglang naturete at nag-concentrate na lang sa press release at pagpapa-interview.

Aba Sir, hindi ka spokesperson ng DOTr, Secretary ka po. Hindi po kailangan mag-press release nang mag-press release para lang maipakita sa tao na nagtatrabaho kayo.

Mararamdaman lang po ng tao na nagtatrabaho kayo kapag kahit paano ay gumagalaw at nagiging realidad ang mga press release ninyo.

Baka naman panay ang chopper ninyo Sir, from Subic to Metro Manila and vice versa kaya hindi ninyo ramdam ang prehuwisyong traffic?!

Segurado ba kayong nakaapak pa kayo sa lupa, Secretary Tugade?!

E parang sumasalipawpaw na rin ang ‘brain’ ninyo, Sir?!

E sabi nga ng mga naririnig nating feedback, mabilis daw kayo sa dakdak, bida sa press release.

Pero super kupad sa aksiyon.

Totoo ba ‘yan, Secretary Tugade?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *