Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Tinipid na security force sa condo ni Sharon, 6 na buhay ang nagbuwis

LAGING problema ang burarang seguridad hindi lang ng mga condominium kung hindi maging sa mga subdivision lalo na’t hindi nagkakaisa ang homeowners association.

Tinutukoy po natin rito ang naganap na amok sa Central Park II Condominium sa Pasay City nitong Martes ng gabi.

Patay ang apat na babae na kinabibilangan ng girlfriend (Emelyn Sagun, 30-anyos, nakikitira sa Unit 14004, 14th floor ng Central Park 2 Condominium na pag-aari ng kanyang kapatid) ng napaslang din na amok na kinilalang si Alberto Garan, 36-anyos, ng Brgy. Catugay, Baggao, Cagayan; isang Daisery Castillo, 12 anyos, Grade 6 pupil, taga-16th floor; at sina Ligaya Dimapilis, 36, at Leticia Ecsiagan, 50-60 anyos, pawang may mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

READ: Editor, 12-anyos, GF, 2 pa patay sa condo ni sharon (Amok dedbol sa pulis)

READ: Security lapses sa condo ni Sharon iimbestigahan

Ang lalaking napaslang ay kinilalang si Joel Palacios, isang mamamahayag na naging editor ng pahayagang Manila Standard at naging Vice President for Media Affairs ng Social Security System.

Sinabi sa ulat na ang amok na si Garan ay hindi tagaroon sa nasabing condominium. Sumama lang siya sa kanyang girlfriend na si Sagun na nakipanuluyan sa isang kapatid roon.

Kaya naman labis ang hinagpis at pagdadalamhati ng mga namatayan at tuloy ay nabusisi ang seguridad ng kanilang condomimium na talagang kahit anong kaguluhan ang maganap ay hindi makapagreresponde nang maayos dahil anim lang ang security guard.

ISA-ISANG inilalabas mula sa Central Park 2 Condominium sa Jor-ge St., Pasay City ang anim na bangkay ng mga biktima kabilang ang amok na si Alberto Garan nitong Martes ng gabi. Napatay ang suspek nang tangkaing lumaban sa mga pulis na sinuyod ang ilang palapag ng condomin-ium bago siya natagpuan. (ERIC JAYSON DREW)

Hindi lang limitado kundi talagang kapos na kapos ang anim na security guards. Tanging sa elevator lang may closed-circuit television (CCTV) camera, at wala sa mga hallway ng condominium, at ang mga ilaw ay sira o pundido.

Alam ba ninyong mahigit sa 20 palapag ang nasabing condominium? At napakalawak nito kaya ‘yung anim na guwardiya nila para sa kabuuan ng condominium ay kulang na kulang kahit sa isang palapag lang?

Masyado bang tinipid ang security force ng nasabing condominium?

Paano ito nakalusot sa mga kinauukulan ang ganyang kapabayaan?!

Totoo rin ba ang balita na nasa condominium ang isang dinarayong massage parlor dahil magagaling umano ang mga masahista rito?!

Ilang commercial unit kaya ang nag-o-operate sa loob ng nasabing condo?!

Naniniwala tayo na hindi lamang 2,000 katao ang naninirahan sa condominium na ‘yan.

Kung hindi tayo nagkakamali, sa building na ‘yan naasunto dati ang aktres na si Sharon Cuneta.

Naasunto ng estafa ang anak ng dating alkalde ng Pasay City dahil umano sa maling advertisement.

Sinabi umano na ang condo ay sa Makati City ngunit natuklasan na ito pala ay nasa Pasay City.

Kasama sa inasunto ang business partner ni Cuneta na si Emilio Ching at lima pang kinatawan ng First Design Builders and Marketing.

Natuklasan ng dalawang nagreklamo na isang Milagros Alora at Mary Jean Chua, na ang lokasyon ng Central Park II Condominium, ay hindi sa Hen. Tinio Street, Bangkal, Makati City kundi sa Jorge Street, San Roque, Pasay City.

Kung hanggang ngayon ay si Ma’m Shawie pa ang nagmamay-ari ng condominium na ‘yan o kung sino man ang bagong may-ari, palagay natin ay mayroon silang pananagutan sa ilalim ng batas.

Gusto rin natin tawagin ang pansin ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), nagagampanan ba ninyo ang tungkulin at responsibilidad ninyo sa iba’t ibang homeowners associations?!

Paging CabSec Jun Evasco!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *