Saturday , November 23 2024

Welcome incoming Customs Commissioner Isidro Lapeña

HINDI akalain ng mga taga-Bureau of Customs (BoC) na maagang lilisanin ni former Commissioner Nick Faeldon ang kanyang puwesto.

Parang kanta ni James Ingram, “I did my best, but my best wasn’t good enough…”

Sa kabila nito, hindi pa rin nagbabago ang pananaw ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na mas bilib siya kung mula sa military ang maitatalaga niyang pinuno sa isang ahensiya ng pamahalaan dahil mahusay ang kanilang disiplina.

Kaya, ang ipinalit niya kay Faeldon bilang Custom’s Commissioner ay si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isidro Lapeña.

Kamakalawa, opisyal na isinalin ni outgoing Commissioner Nick Faeldon kay Incoming Commissioner Isidro Lapeña ang sagisag ng BoC bilang simbolikal na ritwal sa pagsasalin ng tungkulin at responsibilidad.

Kung enforcement ang pag-uusapan, wala tayong duda sa kakayahan ni Commissioner Lapeña.

Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1973. Mahaba at makulay ang kanyang karera bilang decorated police officer. Hindi malilimutan rito, nang siya ay maitalaga sa Philippine National Police (PNP) bilang Director for Operations, Chief of the Directorial Staff, Davao Region Police Director, at Cotabato City Police Director, bago tuluyang magretiro.

Ganyan kabigat ang karanasan ni Commissioner Lapeña, kaya hindi dapat pagdudahan ang kanyang kakayahang mamuno.

Ang importante ay makapilil siya ng deputy commissioners, district collectors at iba pang matitino, maaayos at mahuhusay na opisyal na makatutuwang niya sa pamumuno…

At higit sa lahat ‘yung mga makatutulong sa kanya upang maabot nila ang target collections ng BoC.

Sa kanyang unang araw, agad nagbabala ang bagong Commissioner na mayroong mga tao na ginagamit ang kanyang pangalan para makapangolekta ng kuwarta sa loob ng BoC.

Pero, kuwidaw umano ang mga taong ‘yan dahil kapag nahuli niya ay agad niyang ipaaaresto.

“I heard may umiikot daw dito e (there are people roaming around) using my name. That’s why I mentioned that in my message na (that) there are people using my name to collect money,” ani Lapeña sa kanyang press briefing matapos ang BOC turnover ceremony.

Hindi pa lumalamig ang isyu ng P6.4 bilyong shabu at hanggang ngayon ay kumukulo pa sa Senado.

Saludo tayo kay Commissioner Lapeña, ang tangi nating masasabi, good luck on your new endeavours, Sir!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *