Friday , November 22 2024
paulo avelino

Paulo, humirit: Hindi siya mahilig mangako sa taong importante sa kanya

MAHILIG mag-travel si Paulo Avelino sa totoong buhay at nakikita naman ito sa Instagram posts niya na mahilig siyang mag-explore sa mga lugar na hindi pa niya napupuntahan.

Kaya sa digicon/bloggers presscon ng The Promise of Forever TV series nila nina Ritz Azul at Ejay Falcon ay natanong si Paulo kung anong bansa at memories ang gusto pa niyang balikan habang ginagawa nila ang serye.

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

“To be honest it’s not easy shooting abroad, specially hindi naman kami pelikula na you bring the whole crew, you bring the lights and people, kumbaga skeletal crew lang. But I really enjoyed working with small groups dahil parang you can control everything, everyone helping each other, everyone knows their duties. It’s tiring but it works for the better,” pahayag ng aktor.

Anong unforgettable promises ni Paulo na ibinigay o sinabi niya sa taong importante sa kanya?

Humirit kaagad ang aktor ng, ”that I broke?” sabay tawa kaya nagkatawanan kami kasama ang bloggers. Na-dare tuloy si Pau (palayaw niya) kung ano iyon tutal sa kanya naman nanggaling.

“Promises that I kept? Hindi ako mahilig gumawa o magsabi ng pangako. Siguro parang short term like ‘bibigyan kita ng fries, promise’ mga ganoon lang.

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

“Mga hindi ko nagagawa ‘yun (nag-iisip), siguro ‘yung promise ko sa sarili ko na lagi kong sinasabi na, ‘I gonna train harder this day or tomorrow tapos tatamarin ka lalo na kapag nanonood ka ng TV series o nagko-computer ka kaya tinatamad ka ng gawin, mga ganoon, promise ko sa sarili ko ‘yung lagi kong nabi-break,” natawang sabi ng aktor.

Hirit namin, ‘ano naman ang promise mo sa ibang tao.’

“Tina-try ko namang gampanan sa abot ng aking makakaya pero sadyang ulyanin lang talaga ako at hindi naman sa binabasag ko ‘yung ibang promise kundi nakakalimutan ko lang,”katwiran ni Paulo. ‘So malilimutin ka talaga?’ ”Oo, malilimutin talaga ako,” saad pa.

Tinanong namin kung komportable siyang pag-usapan ang anak niyang si Aki dahil nga gusto naming tanungin kung bakit hindi siya nakapunta sa 7th birthday ng bata.

“Well as I said earlier na his life is not for anyone to talk about, not for the people. With all due respect to the press and bloggers, it’s like you’re asking for my side and you quote something against or could trigger or could offend and asks something from the other side, batuhan lang ‘yan, eh. At the end of the day, it’s more affecting the kid tapos the kid has classmates, may mga magulang ‘yung classmates and may friends din. Eventually grow up (tsismis) and probably see these things and it’s not good for the kid,” paliwanag ni Paulo sa amin.

Sundot namin kung kailan niya huling nakita si Aki, ”ahh, ‘yun lang,” ngumiting sagot ng aktor sabay pisil sa kamay namin na ibig sabihin ay huwag na kaming magtanong ulit.

Samantala, ang The Promise of Forever ay hindi hawig sa Korean drama na Goblin na pinagbidahan nina Gong Yoo, Lee Dong Wok, Kim Go-eun, Yoo In-na, Yook Sungjae, at Lee El na ipinalabas sa ABS-CBN kamakailan at sa pelikulang Age of Adaline na ipinalabas noong 2015.

A post shared by Ejay Falcon (@falconatics) on

“Actually, matagal ng konsepto ito na nakasabit yata sa Dreamscape (Entertainment), parang five years ago or six years ago, narinig ko rin itong concept na ito, hindi pa ako ‘yung artista.

“I would say it’s an original teleserye na pinaghirapan din ng mga creatives natin to make it different and not to make it similar to ‘Age of Adaline’ or even ‘Goblin’, nauna kami, joke! Hahaha,” kuwento ni Paulo.

Bukod kina Paulo, Ritz, at Ejay ay kasama rin sina Cherry Pie Picache, Amy Austria-Ventura, Tonton Gutierrez, Benjie Paras, Susan Africa, Eva Darren, Nico Antonio, Yana Asistio, EJ Jallorina, Karen Reyes, Zonia Mejia, David Chua Hyubs Azarcon, Lemuel Pelayo, Jimboy Martin.

Ang The Promise of Forever ay mula sa Dreamscape Entertainment sa direksiyon nina Darnell Joy Villaflor at Hannah Espia.

REQUEST NG MGA TAONG
NATUTULUNGAN NI COCO:
‘WAG TAPUSIN ANG FPJAP

SA mga ginagawang proyekto ngayon ni Coco Martin para sa FPJ’s Ang Probinsyano 100 ay mas lalo siyang pinupuri ng netizens dahil marami siyang natutulungan hindi lang sa mga kasamahan niya sa trabaho kundi pati sa mga hindi niya kakilala.

Kamakailan ay namahagi siya ng mga gamit ng mga pulis, mga gamit ng estudyante, at eskuwelahan ngayon ay nagpapagawa na naman siya ng bahay sa Gawad Kalinga Munting Pamayanan for the Blind na base sa post ng Dreamscape Entertainment business unit head na si Deo T. Endrinal.

Ayon sa post, ”It takes a Hands to build a House, but only Hearts can build a Home.” At saka ipinost ang litratong kasama si Coco ng mga gumagawa ng bahay.

A post shared by montie08 (@montie08) on

Isa lang ito sa proyekto ng FPJAP100 bilang pagtanaw sa mga sumusubaybay ng aksiyon serye na patuloy na humahataw sa ratings game simula noong nag-umpisa ito at hindi natinag ng sinumang programang tumapat.

Kaya may mga nagsabing huwag na lang tapusin ni Coco ang FPJ’s Ang Probinsyano para habang umeere ito ay may mga nabibiyayaang tulong sa mga nangangailangan.

Naalala rin namin ang kuwento ni direk Malu Sevilla na pinapag-aral ni Coco ang mga anak-anakan niya sa FPJAP na sina Paquito, Dang, at Ligaya sa isang pribadong eskuwelahan na hindi na namin babanggitin kung saan para na rin sa safety purposes.

Sabi pa ni direk Malu ay sobrang sipag at masayang pumasok sa eskuwelahan ang mga bata kasama ang kani-kanilang mga nanay na talagang gumigising ng maaga.

Sa kabilang banda, base sa tumatakbong kuwento ngayon ng FPJ’s Ang Probinsyano ay patuloy ang paglaban ni Cardo para sa karapatan ng mga naaapi laban sa kamay ng mga mapang-abusong mga opisyal.

Naging masaklap ang kapalaran ng mga magsasaka ng Mt. Karagao matapos mapeste ang kanilang pananim at tanggihan ng gobernador na tugunan ang kanilang pangangailangan. Ngunit agad namang sumaklolo sina Cardo at ang grupo ng Pulang Araw at nag-abot ng tulong sa mga magsasaka.

Pero sa gitna ng kanilang operasyon, hindi inaasahang nakuhanan ng cellphonevideo at si Cardo kasama ang rebeldeng grupo, na posibleng ikalagay ng buhayniya sa panganib sa pagkakataong mabulgar ang tunay niyang pagkatao. Maitago pa rin kaya ni Cardo ang kanyang pagkatao mula sa Pulang Araw?

Malaman pa kaya niya na ang tunay nilang kalaban ay si direktor Hipolito (John Arcilla)?

Anyway, naka-40.7% ang FPJAP vs 18.4% Alyas Robin Hood nitong Martes, Agosto 29.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *