Sunday , December 22 2024

Ang daluyong na si Harvey

SALAMAT sa Diyos dahil sa kabila ng pananalasa ng Hurricane Harvey sa Houston, Texas ay walang kababayan natin ang naiulat na namatay bagamat marami sa kanila ang nadala sa mga evacuation centers matapos lumubog ang halos 80 porsiyento ng nasabing lungsod at mga katabing lugar.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad ay umabot sa 18 ang nasawi at tinatayang aabutin ng US$42 bilyon ang halaga ng naging pinsala sa pribado at pampublikong ari-arian sa Houston at mga karatig pook, lalo na ‘yung nasa baybayin ng Gulpo ng Mexico. Napag-alaman ng Usaping Bayan na bibilang nang ilang taon, kundi man isang dekada, para maisaayos ang mga sinira ni Harvey.

Ayon sa United States National Weather Service, walang kahalintulad sa tala ng kasaysayan ng US ang lawak at lupit ng hagupit ni Hurricane Harvey, isang patunay na nagkakaroon nga ng climate change sa mundo. Ayon sa mga eksperto hindi sana masyadong nasalanta ang Lungsod ng Houston kung mayroon lamang regulasyon ang pamahalaan panglungsod ng Houston para sa zoning, population density at pagtatayo ng mga estruktura. Dahil sa sobrang pagsamba ng mga Texan sa kasagradohan ng pribadong pagmamay-ari ay walang batas na naipasa kaugnay sa “regulation” “population density” at “zoning” ng mga estruktura dahil tinitingnan nila bilang isang hindi katanggap-tanggap na pakikialam ng estado sa sagradong karapatan ng isang indibidwal na magmay-ari.

Ang resulta nito ay walang humpay na pagtatayo ng mga subdivision, condominiums at konkretong parking lot kung saan-saan, kahit sa mga lugar na tinatawag na flood catch basin; na naging dahilan naman ng pagkawasak ng kalikasan, lalo na ‘yung mga watershed na sumasalo ng tubig mula sa ulan. Dahil dito ay walang napuntahan ang baha na dala ni Hurricane Harvey kundi ang mga lugar na pinaninirahan ng tao.

Harinawa, masakit mang isipin dahil sa hirap na inabot ng mga karaniwang mamamayang Amerikano, ay maging aral sa ating mga pinunong bayan ang sinapit ng Houston. Sana ito ang magtulak sa mga kongreso, sa mga konseho ng lungsod at bayan na ipatupad nang mahigpit ang zoning, population density at regulasyon sa pagtatayo ng mga estruktura.

Tanging sa ganitong paraan lamang makaiiwas tayong mga nasa mega urban areas – tulad ng Metro Manila, Cebu at Davao – sa trahedya. Grabe ‘yung pinagkaguluhang hamburger… parang gutom na gutom ang mga kababayan natin ha…para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

 

USAPING BAYAN
ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *